problematic
Im 19yrs inc 20 this september but still problematic pa bcoz my parents didn't know yet my unexpected pregnancy, im still studying pa po and this inc august ang pasukan namin. How will i overcome this? Tell me po mommies. Pero love na love ko po/namin baby ko, complete po ako sa labtest & vitamins na dapat itake nakakapunta din po ako regularly when i have schedule in my ob po, sa totoo po neto dalawa po kami ng bf ko ang humaharap sa mga expenses na need ko at baby namin. Kaya po kahit papaano malakas pa din po ang loob ko & panatag po ako na healthy ang baby namin in my womb, sa totoo nga po walang kahit anong negative na result sa akin and lalo na sa baby namin. TIA MOMMIES!!! ❤️❤️
Im just 20 nung june lang and unexpected pregnancy din choice ko mag stop kahit na alam kong kaya ko mag aral and di din alam ng parents ko. Graduating na ako sa college yet ang nakaka alam lang boyfriend ko super nakaka frustrate na kasama araw araw parent ko pero di ko masabe na may apo na sila kaya nag stop ako. Akala nila kaya ako nag stop dahil sa stress sa feasib pero choice ko talaga kasi ayoko maistress baby ko sa school problem, like group activities, research(shempre puyatan yan. So ayun kami ni mama lagi magkasama sa bahay kasi kami naiiwan since may pasok dalawa kong sister sa school and dad ko sa office. Ito friendly advice, sooner or laer malalaman din nila kasi since nag bubuntis tayo may sudden changes sa ating katawan and nalalaman yun ng mga nanay nati dahil bago tayo mabuntis eh nabuntis na sila ng una so yes nalaman po ng magulang ko na buntis ako nito lang 3days ago. Expected ko na super and agagalit sila to the point na mapapalayas ko ganern, pero tinanong niya ako with lambing tone na "kamusta feeling mo" "ilan months ka na" " dapat every monthcheck up niya and fruits dapat kumakain ka non" and sooner nalaman na din ni papa kasi lumalaki na boobs pati balakansg which is sign of pregnancy. So ayun kinamusta niya ako and sabe niya need makausap si boyfie sa sabado para mapagusapan kalagayan ko. Akala ko magwawala si papa kasi shmpre panganay ako sa halip na pa graduate na ako ibang diploma pala mabibigay ko sakanila and super nakaka frustrate na tinatago natin yung pregnancy natin sa parents natin na sila pa pala makakatulong satin. So mamsh magandang sabihin mo na sa parents mo wag mong hintayin na katulad ko di ko alam almost 6 months na pala ako pregggy tapos hilig ko pa naman mag gym before and khmain ng salty foods. Kung di pa ako mau-uti di ko malalaman na buntis ako. Mamsh ang mapapayo ko lang di agad mabilis magsabe sa parent lalo na kung nag aaral ka pa and di pa kayo kasal ni boyfie but thats fine dont let anyone notice you na buntis ka dapat alam na ng parents mo para if ever may chismosa nag tanong sa personal ko na buhay eh mapagtatanggol ka niya from masakit na salita sa letcheng chismosa around you. Wag mo asyado istress sarili mo kawawa baby mo. Kasi ako nung di alam ng parents ko every night umiiyak ako kaya please huwag na huwag kang magpaka stress kawawa si baby baka mastress din.
Magbasa paKaka-20 ko lang nung February. Pregnant din ako, 5months na. Noong una takot pa ko magsabi ng totoo sa parents ko kasi syempre nag aaral pa ako. Natatakot ako na baka magalit sila or madisappoint pero sa huli sinabi ko pa rin. Believe me. Walang magulang ang makakatiis sa anak. Kung ang anak ay kayang tiisin ang magulang, ang magulang hindi. Kaya thankful ako na naglakas loob ako na sabihin sa parents ko yung totoo. Sobrang gaan sa pakiramdam kasi wala akong tinatago. At mas excited pa sila na makita yung apo nila hehe. Saka nakakatulong din sila samin ng boyfriend ko financially. May mga times kasi na sumasakto na gipit kami ng lip ko, tapos check up ko pa saka pambili ng vitamins, sila sumasagot ng gastos. Nag stop din muna ako kasi ayoko mag take ng risk baka kasi malaglag baby ko and naiintindihan naman ng parents ko yon. Kaya kung ako sayo, let them know the truth. Karapatan nila yon kasi magulang mo sila. At iba talaga ang gaan sa pakiramdam kapag di mo tinatago sa kanila yung pagbubuntis mo. :)
Magbasa paSabihin mo sa parents mo ang kalagyan mo, humingi ka ng sorry dahil sa unexpected pregnancy mo, magagalit sila pero matatanggap nila yan..malay mo alam na nila pero hinihintay ka lang nilang kusang magsabi... Hindi sa pangungunsinti hehehe pero kapag nagpapacheck up ako sa public hospital, ang pinaka batang teen mom na nagpapacheck up don is 13, kasama nila nanay nila. Mas better namn ang 19yrs old sa 13yrs old hehehe,,,
Magbasa paBe honest lang sis sa parents mo. Marami akong nabasa dito na ganyan, at first nagalit syempre parents nila but eventually naging excited na rin parents nila sa mga magiging apo nila. Be positive lang besides kaya nyo naman ni bf mo ung gastusin. Mag ipon na kayo for your delivery narin.
Ang tama and best solution is to be honest with your parents. Pray for strength and courage para masabi mo sa kanila. Kaya mo yan. They will still love you. You may still finish your studies after mo manganak. Bata ka pa naman. 🙂
Dapat ipaalam mo na sa parents mo..lalo na ganyan kalagayan mo..nabuntis din ako dati same age sayo..madisapoint cla at first but maiintindihan k p din nila..magulang is magulang..Mas kailangan mo cla ngaun sa sitwasyon mo
Sana the moment nalaman mo inamin mo na since balak nio nman panagutan. Nagenroll kpba? If yes, sayang pera. Mas magagalit magulang mo. Respeto ndn sknla kaya dpat ipaalam mo. Dont be so selfish. Panindigan nio po yan..
As early as now, sabihin mo na. Malalaman at malalaman naman nila e. At first, syempre magagalit yun pero at the end of the day maiintindihan ka rin nila. Apo nila yang dala dala mo e.
Kaya mo yan! Just pray and say sorry sa nagawa mo. Matatanggap at matatanggap nila yan. Ive been there, Sobrang nakakastress but now im currently studying kahit 6mons preggy na 😊
First thing you need to do is tell your parents. They will get mad and you need to accept that. However, your parents love you and they will accept you and your baby.
Dreaming of becoming a parent