Im 19 yrs old and simula nung nalaman kong 5 months pregnant ako sobra na po yung iyak ko halos araw araw na kasi alam kong di ako matatanggap. I decided na mag pa abort pero alam ko sa sarili ko na kahit loko loko ako minsan e hindi ako pinalaking mamamatay tao. Yung father ng dinadala ko full support , di na po siya nag aral para magtrabaho at yung parents niya po tuwang tuwa kasi ang pagkakaroon ng baby sa kanila ay isang malaking blessing. Kaya nagmatapang na din po akong umamin sa parents ko kasi di ko na po maitago yung laki ng tiyan ko. At dumating na nga po yung ayaw ko na di nila tanggap, sobra pong apektado nanay ko sa sasabihin ng iba kaya po niya ako tinatago di po ako pinapalabas ng appartment nasa kwarto lang po ako. 35 weeks pregnant na po ako kailangan na naglalakad lakad kaya kahit maliit space ng kwarto dito ko nlang po ginagawa , di po pinapalapit sakin yung tatay ng anak ko kaya patagong video call nlang po minsan kung wala sila mama , pupuntahan po ako agad ng bf ko para iabot yung sahod niya at saka mga cravings ko? pati po pala dito sa bahay kailangan ko itago kasi di po pwede malaman ng kapatid ko. Due date ko na po sa january pero mas mauuna po ata akong mababaliw , wala na po ako nakakausap hindi ko na din po maalagaan sarili ko since nung nlaman ko na buntis ako tinago tago na po ako at madalas na din po pag iyak ko ;(
Anonymous