HELP PO. PLEASE. ?

(EDITED NA PO YUNG POST WALA NA PONG TAKIP YUNG NAME NG OB KO AND AYAN PO FULL CONVO. May dalawang screenshot pa po na di nasama kasi 6 photos lang po inaallow Kasalanan ko pong majudge sa comment section dahil accidentally ko po na hide name ko sa post. Nakalagay na din po sa comment section yung ID's ko po. Ilalagay ko din po yung screenshot ng laman po ng GCASH if ever na may magsesend po para po mamake sure na Pho 1,588 lang po yung malilikom para sa baby ko po. Salamat po ng sobra) I'm 19 weeks and 3 days pregnant. Nung tuesday po ng umaga, sobrang sakit ng ulo ko. Yung puson ko naninigas, humihilab pero tolerable naman po. Hindi siya totally masakit. Nung hapon medyo tumamlay na ako. Di na ako makabangon dahil sa sobrang sakit ng ulo ko po. Nung gabi po, ganun pa rin. Hilo at sakit ng ulo po yung iniinda ko, kaso nagkaroon na po ng interval yung paninigas ng puson ko. Hanggang sa may kirot na. Inadvise po ni dra na itaas yung paa and maglagay ng unan sa balakang kasi baka nag pe-pre term labor na po ako. Nagpagawa siya ng ultrasound ulit at labtest (Urinalysis, CBC, BP, Weight) na kailangan gawin ng wednesday morning. Wednesday morning came pero wala pa rin po dahil wala kaming hawak na cash. Kagabi po sobrang worst na ng pain naiyak na talaga ako. Nakikiusap kay baby na kumapit siya dahil siya na yung buhay ko. Yung savings po namin naubos dahil 2months kaming nakalockdown at hindi applicable yung WFH samin. Walang SAP, form, o DOLE po na natanggap dahil hindi inuna daw po unahin yung mababang business bigyan. Yung partner ko po kakabalik lang ng work, pang 7th day pa lang niya po dapat kagabi pero di po siya nakapasok dahil di niya ako maiwanan mag-isa, at yung sasahurin niya ay kailangan po ibayad sa June 3 sa bahay. Una at huling ultrasound ko po is March 11 pa, stated po yung receipt below. Hindi na po naibalik kay OB para basahin kasi naglockdown na po at wala ng clinic. Thursday na po ngayon nawalan na ako ng choice kundi humingi ng help sa parents ko, pero ang sabi nila dun daw gawin which is 1-2 hours pa na byahe at hindi po inallow yun ng OB ko dahil baka tuluyan akong makunan. May light bleed na po ako ngayon umaga. ? Hindi ko po kayang mawala baby ko. Please tulungan niyo po ako. ₱1,588 po yung ultrasound sa Metro Antipolo, please, kailangan ko po ng 1,588 na mommies na pwede po magsend ng ₱1.00 sa GCash ko po. Please po. ? Promise mag-uupdate po ako dito sa post na 'to ng labtest ko and ultrasound na gagawin kay baby ngayong araw. Pangako po. Please po. ? GCash Number: 09453069256

59 Replies

Update po as of 12:33 PM || May 29, 2020. Nakatalikod po si baby namin. 😅 Suplada/suplado. Pero nagmove po siya, nakita namin ng naguultrasound yung paa niya, para siyang nagbabike sa loob. 😂 Nagtatanong ako dun sa dra if anong gender pero di pa daw po alam or makita kasi maliit daw po si baby. As per my tracker, I'm 19 weeks and 4 days preggy, binilang ko po siya from 8 weeks and 2 days na countdown nila galing sa unang ultrasound na ang EDD is Oct 19. Sa result po, lumabas naman ngayon is 20 weeks and 1 day na si baby, EDD is Oct 15. Nakakalito po. Hindi na ako masyado nakapagtanong kasi ang sungit po nung dra. Ibabalik ko naman daw po 'tong result kay Dra Veniegas which is yung OB ko kaya sa kanya si OB ko daw po mageexplain non. Thank you po mommies sa lahat ng help. God bless y'all po. 😊 Waiting nalang po na basahin ni Dra. Veniegas yung result po na I sent her through messenger. 😊

Ate Luna: Sobra po. Haha. Iikot pa po kaya si baby?

Update po as of 9:16 PM || May 28, 2020. May sharp pain nanaman po sa puson and mahapdi yung pinaka-ano ko po. Parang sinisinat din po, di ko po maconfirm since wala kaming thermometer. Share ko lang din po. Alam ko po normal yung back pain sa preggy, even hindi po preggy sinasakitan ng likod. Though yung back pain ko po yung pain is 5.5/10 since I have thoracic dextroscoliosis po. Yes, may bukol po ako sa likod because of it. Sumasabay yung pain, nakakangilo. Nabasa ko po dito is kapag hihiga, sa left side po, yung bukol ko po sa likod is sa right pero parang napupush siya at kumikirot kapag humihiga ako sa left side ko. Kaya di po ako nakakatagal sa leftside. Still, positive lang. From pagkakahiga umupo po muna ako kasi di ako makahinga. Feeling ko po makakatulog ako from pain exhaustion. Praying po na hindi magbleed ulit kagaya kaninang umaga. 🥺🙏🏻

Opo ate Hermione, mag-isa lang po ako. Opo, kinakausap ko po si bebi namin. Kinakantahan at pinapatugtugan din po ng music. 😊 Thank you po! ❤️

Fund update po as of 7:13 PM / May 28, 2020. From: Ate Mitzi Villanoza Ate Jennelyn Lim Ate Lalyn Mendoza Ate Angelica Mallete Ate Nikolai Encinares Ate Marivic Officiar Ate Maricar Macatula Ate Jundie Tamares Ate Reham Tejero Ate Jennifer Santiago Ate Marvelous Manalastas Ate Geralden Ecalla Ate Jane Vianney Aguinaldo Ate Michelle Dumandan Sir Prince Kryll Manalo Ate Charity Indong Ate Rheadian Alvarez Ate Angela Roa MARAMING MARAMING SALAMAT PO 😭❤️ Sobra pa po 'to dun sa amount na help na need ni baby para sa ultrasound. Hulog po kayong lahat ng langit samin ni baby. Kapag po bukas ng morning nakapagpaultrasound na at lumabas na po yung result kung may problema ba (WAG NAMAN PO SANA PLEASE), since ngayon pa lang din po namin malalaman if girl po o boy si baby, promise po, isa po kayo sa unang makakaalam. ❤️

Update as of 7:46 PM // May 28, 2020. Pumasok na po yung partner ko. Kailangan po talaga niyang umalis kahit mahirap sa kanya. Mas mahirap po kasi kung wala pa rin siyang sasahurin. Wishing na lahat po ng mommies dito ay okay lang. Lalo na po mga babies niyo. Sobrang blessed ko po na kahit hindi niyo ako personal na kakilala, tinulungan niyo pa rin po ako. Dito nalang po muna ako sa app tatambay habang wala akong kasama para maiwasan ko yung pag-iisip. Kapag wala po kasi akong ginagawa at walang kasama lalo pa sa situation ko, talagang di ko po maiwasan mag-isip. Sobrang na uplift niyo po yung spirit ko. May natitira pa rin pala na mabuting tao sa mundo. Thank you po talaga! 🥺❤️

Awww bka threatened miscarriage k din, same tau ng nararamdaman pero aq nung 15 weeks, sunod mo n muna payo sau ni doc na med sakin kc inadvise 2 times progesterone insert sa vagina umaga at gabi and 3 times a day na duvadilan for a week yan pampakapit tama si doc taas mo balakang mo wag ka maguunan sa ulo balakang lang ang may unan lagay mo dlwang unan para mataas tpos wag ka tatayo bedrest lang mas ok kung may arinola ka para dun ka magwiwi at di ka na lalakad pa s CR pra umuhi ang gagawin mo lang is upo at higa lang tatayo ka lang kung iihi wag maxado magisip para d k mastress i hope makatulong n muna ung payo q habang d k pa nakakapaultrasound kaya mo yan mamshie samahan mo ng dasal tiwala lang na ok kau. .

Kung pede nga lang meds ang isend ahahaha dami q kc duvadilan dto nsa 15pcs pa ind q n kc maiinom to. .

Good morning po mga mommies! Fell asleep around 4:00AM. Woke up a little too early for our UTZ appointment. Tiredness level: 7/10. Excitement level: 12/10. Naeexcite po ako kasi malalaman na namin gender ni baby. Doon po ako naglu-look forward instead of thinking na baka may makitang mali sa ultrasound. Parang nadudurog ako kapag sumasagi sa isip ko. Asking for prayers for the both of us. Sana wala pong problem. Or kung meron man sana po UTI lang na madadala ng medication at wag nang mas malala pang complication. 🙏🏻 Thank you po ulit sa mga tumulong. ❤️ Update po ako once done with the UTZ. ☺️

Update po as of 1:47 AM || May 29, 2020. Eto po yung total na cash kagabi po para kay baby. Sobrang maraming salamat po talaga sa lahat ng tumulong. Break na po ni hubby sa work. Pinaclaim ko na po sa kanya through SSB yung ₱2,200 para mamaya po pagpunta namin ng ospital para sa ultrasound mabayaran na po and yung matitira is ipapambili po ng gamot na irereseta ni dra paglabas po ng result ng urinalysis ko. Nagtira lang po ako ng ₱500 sa Gcash just in case po mangailangan atleast po may huhugutin pa kahit papaano.

Yung sobrang amount po, ipapambili ko po ng vitamins namin ni baby at ng kailangan pa na gamot once po na lumabas yung result bukas. At kung may matitira pa po, ibibili ko nalang po ng baru-baruan ni baby dahil wala pa po siyang gamit bukod po dito sa binigay ng mama ko at ng TM ko po. ❤️ Inilabas ko po 'to ngayong gabi dahil naniniwala po ako na masusuot 'to ng anak ko, at dahil po yun sa mga tulong niyong lahat. ❤️ Salamat po sa inyong lahat! ❤️

Hello po. Taga Cupang Antipolo po.😊

Bakit kailangan tanggalin ung names sa screenshots? Paano icoconfirm yan??? Madali lang gumawa ng convo sa fb, gawa ka lang 2 accounts pwede na. Tska wala pong term na ultrasonologist. Even doctors knew that. Another scam na nman ba ito? Registered nurse po ako for 9yrs already kaya may alam ako sa medical terms & specializations ng doctors. Tsaka walang ospital gumagawa ng ultrasound ng walang request galing sa doctor. Dami mo pong red flags.

Next time when you're asking for donations make sure na nakalagay name mo para alam din ng iba. Yun lng naman. And about sa receipt hindi ko nakita ung date. Pasensya na.

Update po as of 7:14 PM || May 30, 2020. As stated, pwede po akong manganak ng wala sa oras. 🥺 I can't help but overthink pero I'm fighting it po. I don't want to go through depression since I know it won't help on my case po, but I just couldn't help it. Ngumingiti at tumatawa ako sa harap ng partner ko pero deep inside I'm choking. Gusto ko nang maiyak. Asking for prayers po for me and my baby. Thank you po. ❤️ Be safe mga mommies!

Pray lang bebe.. and lagi daw kausapin si baby.. wag pastress magiging okay din yan..🥰🥰

Trending na Tanong