Need advice please.

Hi, I'm 15 weeks pregnant. Medyo nahihirapan ako sa sitwaston ko sa boyfriend ko. Mahigit isang taon na kami, pero yung problema ko sa pagiging insensitive niya lalong lumala. Akala ko ngayon magkakababy na kami magbabago sya, sinabi ko naman nung una pa lang na sana pagpasensyahan nya ko sa mga mood swings ko pero dapat pala ako raw ang mag adjust, kasalanan ko raw pag may nangyari sa bata dahil sa kaartehan ko. Pag nagsasabi ako ng problema o pag may nakikita akong mali, masasakit na salita yung mga binibitiwan niya. Kagaya nung time na tinanong ko sya kung sino ung babaeng kasama niya sa picture nung nag palawan sila, hindi niya kasi ko minemmessage noon, pinapatayan pa ko ng phone, bigla syang nagagalit tapos sinabi na baliw raw ako, kaya raw ako iniwan ng mga ex ko kasi ganito ako, tanga. Sana nakinig nalang daw sya sa nanay niya kasi akala niya magiging masaya sya skin. Hindi ko alam kung ano mas masakit, yung mga sinabi niyang yan or yung sinabi niya nung nakikipaghiwalay sya, sasabihin daw niya sa magulang niya na hindi sa kanya ung bata, na nabuntis ako ng iba, na may lalaki ako. Kinabukasan nag sorry ako para lang matapos na. Sinabi niya rin pala sakin nung umpisa pa lang na ayaw sakin ng magulang nia lalo na ng mama niya dahil mas gusto nito yung anak ng kaibigan niya na nurse sa America, pero nabuntis na ko kaya wala na silang magawa, nung sinabi daw ng nanay niya na dun na ako tumira, at magpakasal na daw bago ako manganak, di ako pumayag Sinabi ko na gusto ko muna pagtuunan ng atensyon si baby. Hindi rin naman ako magiging komportable sa kana dahil ayon sa kanya, OC ang nanay niya. De numero ang kilos. Nakiusap ako na sana bumukod kami kahit maliit lang na tirahan tutal pareho naman kaming may trabaho. Sinabi ko rin sa kanya na pakasalan nia nLang ako sa oras na kaya na niya, yung buo na ung loob nia. Hindi dahil sinabi lang ng nanay niya. Hindi nya maintindihan un. Ibang klase daw ung pag iisip ko. Ang tanga ko. Pinapahirapan ko raw sarili ko. Di naman ako perpekto, may mga oras na nakakapg sungit talaga ako at nakakapagbtaw ng di maganda. Mali po ba ako sa desisyon ko? Para kasing lumalabas na inggrata ako. Salamat sa magbabasa.

82 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yaan mo sya! Di mo deserved yon, pakita mo na di lang sya ung lalaki sa mundo. Hmm masyado mataas tingin nya sa sarili nya, kaya sis magpakatatag ka pamukha mo ba mabubuhay ka kahit wala sya. Kesa araw araw ka maiistress sa ganyang tao mag isip isip kna. Baka habambuhay mo pagsisihan. Focus ka nalang kay baby sya isipin mo para lumakas ka๐Ÿ’•

Magbasa pa
VIP Member

Nako wag mo na pakasalan yan. Kahit naman hindi kasal basta mapatunayan thru DNA na kanya yung bata, need niya pa rin sustentuhan yan. Pwede mo rin siya kasuhan. Mas magaan sa loob kapag naging free ka sa toxic relationship. Balang araw siya rin maghahabol sa anak niyo. Kung kaya mo buhayin si baby much better. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ’•

Magbasa pa
VIP Member

Ngayon pa lng hnd na maganda ang ugali ng bf mo. Wag mong hintayin mapunta ka sa sitwasyong hnd mo na kayang kumawala, iba na kapag kasal na kayo. Ngayon sa bata ka muna mag focus, pag bubuntis mo. Makakasama kay baby kapag na-stress ka. Kaya mo yan sis, at kakayanin mo lahat para kay baby.. God be with you.

Magbasa pa
VIP Member

Iwan mo n sya. Bakit kailangang mong mag adjust para sakanya, and also sa tingin mo hindi ka niya niloloko? Yun lang magpunta syang Palawan kahit buntis ka hindi na gawain ng matured na lalaki un. Patunayan mo saknyang kaya mong mag isa, may work ka naman and for sure hindi ka pababayaan ng parents mo.

Magbasa pa

naku te wag mo nang pagtyagaan ang ganung klaseng lalaki....mas nakikinig xa sa nanay nya kesa sau....baby mo na lng at sarili mo ang atupagin mo tutal nmn may work ka at kaya mong buhayin ang anak mo....siguro nmn susuportahan ka ng parents mo sa lahat ng bagay basta kung anong makakabuti sa inyong magina

Magbasa pa

You deserve so much better than him momsh! Wag ka mag take ng risk sa ganyang klaseng tao lalo na't buntis ka, wag ka masyadong mag overthink dahil lang dyan sa tatay ng baby mo. Sa ngayon, focus ka nalang muna sa baby mo momsh. Wag ka masyado magpaka stress malaking epekto yan sa health ni baby.

Kung ako sis, you made the right decision na hindi magpakasal at tumira sa poder nila. And sana ma push mo yung sarili mo na iwanan na sya kase ang toxic ng bf mo. Lalo na siguro pag nagtagal pa kayo. May trabaho ka naman. Kaya mo yan. Nakakabother kase na lalaki ang anak nyo tapos ganyan yung ama.

VIP Member

D pa matured ung boyfriend mo mukhang naglalaro pa yan saka sensetive tlaga pag buntis kaya alagaan mo nalang ung sarili mo wag mo muna stressin sarili mo jn sa boyfriend mo deadmahin mo kaya para xa ang maghabol sa inyo ng anak mo ang isipin mo ung baby mo na dapat maging healthy kau pareho ok.

Alam mo hindi ka magiging masaya kung magpapatuloy ka jan sa relasyong yan hiwalayan mo nalang focus ka sa baby mo sabi mo nga may work ka naman may family ka din naman tutulungan ka nila.mas masaya kung walang stress na kagaya nyan masama kay baby yung ganyan.

VIP Member

Kung ako sau te hihiwalayan ko na yan ganyan ugali di ko kaya pakisamahan yan , tutal may work ka naman siguro kaya mo naman buhayin yang baby mo mag isa , wag kana mag hangad ng buong pamilya kung ganyan lang ung ugali ng pakikisamahan mo di na mag babago yan ๐Ÿ˜”