Need advice please.

Hi, I'm 15 weeks pregnant. Medyo nahihirapan ako sa sitwaston ko sa boyfriend ko. Mahigit isang taon na kami, pero yung problema ko sa pagiging insensitive niya lalong lumala. Akala ko ngayon magkakababy na kami magbabago sya, sinabi ko naman nung una pa lang na sana pagpasensyahan nya ko sa mga mood swings ko pero dapat pala ako raw ang mag adjust, kasalanan ko raw pag may nangyari sa bata dahil sa kaartehan ko. Pag nagsasabi ako ng problema o pag may nakikita akong mali, masasakit na salita yung mga binibitiwan niya. Kagaya nung time na tinanong ko sya kung sino ung babaeng kasama niya sa picture nung nag palawan sila, hindi niya kasi ko minemmessage noon, pinapatayan pa ko ng phone, bigla syang nagagalit tapos sinabi na baliw raw ako, kaya raw ako iniwan ng mga ex ko kasi ganito ako, tanga. Sana nakinig nalang daw sya sa nanay niya kasi akala niya magiging masaya sya skin. Hindi ko alam kung ano mas masakit, yung mga sinabi niyang yan or yung sinabi niya nung nakikipaghiwalay sya, sasabihin daw niya sa magulang niya na hindi sa kanya ung bata, na nabuntis ako ng iba, na may lalaki ako. Kinabukasan nag sorry ako para lang matapos na. Sinabi niya rin pala sakin nung umpisa pa lang na ayaw sakin ng magulang nia lalo na ng mama niya dahil mas gusto nito yung anak ng kaibigan niya na nurse sa America, pero nabuntis na ko kaya wala na silang magawa, nung sinabi daw ng nanay niya na dun na ako tumira, at magpakasal na daw bago ako manganak, di ako pumayag Sinabi ko na gusto ko muna pagtuunan ng atensyon si baby. Hindi rin naman ako magiging komportable sa kana dahil ayon sa kanya, OC ang nanay niya. De numero ang kilos. Nakiusap ako na sana bumukod kami kahit maliit lang na tirahan tutal pareho naman kaming may trabaho. Sinabi ko rin sa kanya na pakasalan nia nLang ako sa oras na kaya na niya, yung buo na ung loob nia. Hindi dahil sinabi lang ng nanay niya. Hindi nya maintindihan un. Ibang klase daw ung pag iisip ko. Ang tanga ko. Pinapahirapan ko raw sarili ko. Di naman ako perpekto, may mga oras na nakakapg sungit talaga ako at nakakapagbtaw ng di maganda. Mali po ba ako sa desisyon ko? Para kasing lumalabas na inggrata ako. Salamat sa magbabasa.

82 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hanggat maaga hubarin mo n ang helmet mo sis kase walang modo yang lalaking yan napaka sakit mag salita walang puso! Kayanin mo mabuhay kasama si baby pero wag na yang guy na yan walang sinuman may karapatan sabihan ka ng TANGA gagu siya 😡😡😡🤬🤬

Sad to hear this. Siguro, weigh down lahat lahat. Kung nakita mo na hindi siya husband and father figure sa inyong mag ina, then, you need to leave. Mahirap matali sa hindi magandang buhay na pagsisihan mo sa huli. You need to ask for his support nlng.

Let go of him.. Ngaun plng hnd kn nia nirerespeto.. At naisip nia p tlg gumawa ng kwento pra siraan k s nanay n.. Di mo deserve ung gnyang llaki at lalong hnd deserve ng baby mo ang tatay n gnyan.. U can be a mother at the same time a father to ur child..

Wag ka muna papakasal kung ugali ng bf mo bulok parin hanggang lumabas ang baby. May makikilala kapang iba na mas mamahalin at papahalagahan kapa. Kapag nagpakasal ka sa walang kwentang tao nilugmok mulang sarili mo dahil hindi kayo magkasundo.

Lumayo ka na lang po muna sa kanila. Ang toxic masyado ng sitwasyon mo mamsh. Si baby maapektuhan pag dinamdam mo lahat ng sinasabi nila na negative. Always pray kay Papa God din for guidance and safety sa inyong dalawa ni baby. ❤💗💕💖

Hays iwan mo na siya dai...hindi siya responsable tsaka tama bang sabihin na hindi kanya yang bata kahit na alam naman niyang sakanya..walang masama sa pagiging single mother kesa itali mo sarili mo na sa bandang huli pagsisisihan mo lang

Pbyaan mo muna ung jowa mo. Wg muna stress.. Nkkramdam rn ako ng gnyn sa jowa ko kaso hnd nmn gnyn. Pero ang iniisp ko nalang. Sya rn kawawa hnd kk kwalan kng wla sya dhil may anak ako. At isa pa wla akong mppala sknya. Dpt gnon ka rn.

Naku sorry to say pero feeling ko side chick nya ung kasama nya sa palawan at hindi ka baliw. Ganyan tlga mga lalaki pag nahuhuli, ipapafeel nya na guilty ka at tamang hinala ka para mabaliktad ang sitwasyon na kunyare ikaw ang mali.

TapFluencer

Kung aq sau makipaghiwalay kana s lalakeng yan!! Saka ndi dpat ikaw ang mag sori kundi SYA DAPAT MAG SORRY SAU! Be Strong for urself and for ur baby! Pray always to God. Ingats nalang po ikaw lage. God bless you!

kung ganyan klase lalaki pakikisamahan mo hiwalayan mo dahil sa pananalita sayo hindi maganda pakinggan at huwag nyo ipilit ang sarili nyo ang mahalaga meron ka trabaho kaya mo buhayin ang magiging anak mo