Need advice please.

Hi, I'm 15 weeks pregnant. Medyo nahihirapan ako sa sitwaston ko sa boyfriend ko. Mahigit isang taon na kami, pero yung problema ko sa pagiging insensitive niya lalong lumala. Akala ko ngayon magkakababy na kami magbabago sya, sinabi ko naman nung una pa lang na sana pagpasensyahan nya ko sa mga mood swings ko pero dapat pala ako raw ang mag adjust, kasalanan ko raw pag may nangyari sa bata dahil sa kaartehan ko. Pag nagsasabi ako ng problema o pag may nakikita akong mali, masasakit na salita yung mga binibitiwan niya. Kagaya nung time na tinanong ko sya kung sino ung babaeng kasama niya sa picture nung nag palawan sila, hindi niya kasi ko minemmessage noon, pinapatayan pa ko ng phone, bigla syang nagagalit tapos sinabi na baliw raw ako, kaya raw ako iniwan ng mga ex ko kasi ganito ako, tanga. Sana nakinig nalang daw sya sa nanay niya kasi akala niya magiging masaya sya skin. Hindi ko alam kung ano mas masakit, yung mga sinabi niyang yan or yung sinabi niya nung nakikipaghiwalay sya, sasabihin daw niya sa magulang niya na hindi sa kanya ung bata, na nabuntis ako ng iba, na may lalaki ako. Kinabukasan nag sorry ako para lang matapos na. Sinabi niya rin pala sakin nung umpisa pa lang na ayaw sakin ng magulang nia lalo na ng mama niya dahil mas gusto nito yung anak ng kaibigan niya na nurse sa America, pero nabuntis na ko kaya wala na silang magawa, nung sinabi daw ng nanay niya na dun na ako tumira, at magpakasal na daw bago ako manganak, di ako pumayag Sinabi ko na gusto ko muna pagtuunan ng atensyon si baby. Hindi rin naman ako magiging komportable sa kana dahil ayon sa kanya, OC ang nanay niya. De numero ang kilos. Nakiusap ako na sana bumukod kami kahit maliit lang na tirahan tutal pareho naman kaming may trabaho. Sinabi ko rin sa kanya na pakasalan nia nLang ako sa oras na kaya na niya, yung buo na ung loob nia. Hindi dahil sinabi lang ng nanay niya. Hindi nya maintindihan un. Ibang klase daw ung pag iisip ko. Ang tanga ko. Pinapahirapan ko raw sarili ko. Di naman ako perpekto, may mga oras na nakakapg sungit talaga ako at nakakapagbtaw ng di maganda. Mali po ba ako sa desisyon ko? Para kasing lumalabas na inggrata ako. Salamat sa magbabasa.

82 Replies

Sis, una palang na pagdudahan nya baby mo maling mali na. I hate to say this but hindi na healthy yang ganyan na relasyon. Magdesisyon ka para sainyong dalawa ng anak mo. Si baby lagi dapat ang priority. Jowa ko may topak din minsan pero simula nung nabuntis ako hindi naman sya ganyan. Hiwalayan mo nalang sis, may anak ka naman na. Gaya nga ng sabi mo, pagtuunan mo nalang pansin si baby.

VIP Member

Sorry sis pero for me, humiwalay ka muna sa kanya o wag muna kayo magkita hanggat hindi niya narerealize worth mo. Never in my life na papayagan akong sabihan ng mga salitang sinabi niya sa'yo lalo na ng jowa ko lang. Kung may trabaho ka naman, di mo siya kailangan sa buhay mo. Mag-focus ka na lang sa magiging anak mo at humingi ng gabay sa parents mo. Sobrang bastos niyang boyfriend mo.

momsh wag mung ipag siksikan sarili muh sa taong ayaw nman seu dahil ikaw lang masasaktan at magsisi sa huli. at sa pagpapakasal wag muh din sabihin sknya un kc kung gus2 ka tlaga nia pakasalan magkukusa un ndi dahil sa nabuntis klng. ndi muh deserve ung lalaking ganian. alam nman naten lahat pag buntis mood swing kaya dapat cla mag adjust pero xempwe my limitation din tau.

VIP Member

Aww. I feel you, wag ka lang pastress. Maging okay din lahat. Baka shookt lang si boyfie mo. Ganyan din dati bf ko pero ngayon okay naman na. Nakuha pa nga namin mag hiwalay dahil puro away kami. Pray ka lang po, and wag pastress isipin and mahalin mo self mo pati si baby 💖 Si bf mo din sunod na mag mamahal sainyo nun. Smile lang para kay baby. Godbless po 😊

Kaya monyan girl. Mahirap sabihin na mag focus sa baby pero kaya mo yan. Lagi ka mag pray. mas matindi pa dyan pinagdadaanan ko 19weeks na ako preggy pero ung tatay ng anak ko walang kwenta pinili ung binatang buhay. Kahit kamusta d magawa kahit samahan ako sa checkup. Ang lucky mo pa na nakakasama mo pa sya. Pag labas ng baby mo malay mo magbago. Wag ka mastress kapit lang

VIP Member

Sis kung may parents ka naman at may source of income ka naman, abay mabuti pang duon ka muna sa pamilya kesa pahirapan mo sarili mo. Klarong klaro naman na immature bf mo. Kung araw2x sumasama loob mo, abay tama nga bf mo. Kasalanan mo na kung may nangyari sa baby mo dahil sa kunsimisyon sa kanila. Kung talagang matinong tao sya, aba magpapaka responsable sya sayo.

Uwi ka nalang muna momsh sainyo. Hayaan mo na yang partner mo. Hindi nya kayo deserve ni baby. C baby mo nalang muna ang pagtuunan mo ng pansin. Alagaan mo sarili mo. Stay away from negatives. Bawal mastress. About wedding, mahirap talaga magpakasal ng hindi niya sariling desisyon baka pagsisihan mo pa sa huli kaya thumbs up sa naging desisyon mo. Godbless momsh

Hirap dn aq sa sitwasyon ko,preho pa tau,ang pg ka2iba lng natin ngpksal kami at cya my work ako wala,kya sa knya kami umaasa wla lng aq mgwa kc kailangan ko cya,mnsan sumsagi dn sa icp ko sna d nlang aq ngpksal sa knya kung gnyan dn pla mangya2ri d cya mgba2go ng trato sakin,cnab nya dn sakin yn bka d cya ama mg baby nmin,puta ako at wla aqng kwenta😢😢😢

VIP Member

Sorry sis pero for me, humiwalay ka muna sa kanya o wag muna kayo magkita hanggat hindi niya narerealize worth mo. Never in my life na papayagan akong sabihan ng mga salitang sinabi niya sa'yo lalo na ng jowa ko lang. Kung may trabaho ka naman, di mo siya kailangan sa buhay mo. Mag-focus ka na lang sa magiging anak mo at humingi ng gabay sa parents mo.

di pa kayo kasal tapos ganyan na yung asal nya sayo, paano pa kaya pag lumabas na si baby at kinasal na kayo 😑 mas gugustuhin ko ng maging single mom kaysa ganyan yung lalakeng makakasama mo. Wala manlang respeto sayo to think na my nanay din sya. Pag isipan mong mabuti sis wag kang magpapadala sa sitwasyon mo kasi sa huli ikaw din mahihirapan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles