Need advice please.

Hi, I'm 15 weeks pregnant. Medyo nahihirapan ako sa sitwaston ko sa boyfriend ko. Mahigit isang taon na kami, pero yung problema ko sa pagiging insensitive niya lalong lumala. Akala ko ngayon magkakababy na kami magbabago sya, sinabi ko naman nung una pa lang na sana pagpasensyahan nya ko sa mga mood swings ko pero dapat pala ako raw ang mag adjust, kasalanan ko raw pag may nangyari sa bata dahil sa kaartehan ko. Pag nagsasabi ako ng problema o pag may nakikita akong mali, masasakit na salita yung mga binibitiwan niya. Kagaya nung time na tinanong ko sya kung sino ung babaeng kasama niya sa picture nung nag palawan sila, hindi niya kasi ko minemmessage noon, pinapatayan pa ko ng phone, bigla syang nagagalit tapos sinabi na baliw raw ako, kaya raw ako iniwan ng mga ex ko kasi ganito ako, tanga. Sana nakinig nalang daw sya sa nanay niya kasi akala niya magiging masaya sya skin. Hindi ko alam kung ano mas masakit, yung mga sinabi niyang yan or yung sinabi niya nung nakikipaghiwalay sya, sasabihin daw niya sa magulang niya na hindi sa kanya ung bata, na nabuntis ako ng iba, na may lalaki ako. Kinabukasan nag sorry ako para lang matapos na. Sinabi niya rin pala sakin nung umpisa pa lang na ayaw sakin ng magulang nia lalo na ng mama niya dahil mas gusto nito yung anak ng kaibigan niya na nurse sa America, pero nabuntis na ko kaya wala na silang magawa, nung sinabi daw ng nanay niya na dun na ako tumira, at magpakasal na daw bago ako manganak, di ako pumayag Sinabi ko na gusto ko muna pagtuunan ng atensyon si baby. Hindi rin naman ako magiging komportable sa kana dahil ayon sa kanya, OC ang nanay niya. De numero ang kilos. Nakiusap ako na sana bumukod kami kahit maliit lang na tirahan tutal pareho naman kaming may trabaho. Sinabi ko rin sa kanya na pakasalan nia nLang ako sa oras na kaya na niya, yung buo na ung loob nia. Hindi dahil sinabi lang ng nanay niya. Hindi nya maintindihan un. Ibang klase daw ung pag iisip ko. Ang tanga ko. Pinapahirapan ko raw sarili ko. Di naman ako perpekto, may mga oras na nakakapg sungit talaga ako at nakakapagbtaw ng di maganda. Mali po ba ako sa desisyon ko? Para kasing lumalabas na inggrata ako. Salamat sa magbabasa.

82 Replies

Thank you for sharing your stories. Let us seek God's forgiveness sa mga pagkakamali natin (maging maluwag sa puso at isip kung tatanggapin natin ang mga pagkakamali natin) and ask for enlightenment kung ano ang mas mabuti mong gawin. Mahirap ang isang anak na walang magulang at mahirap din ang may asawa na hindi naman katuwang sa hirap at ginhawa. Mag reflect ka, bakit ba ayaw ka ng nanay ng boyfriend mo? May point ba ang boyfriend mo na iba din ang pag iisip mo? Wala bang problema sa kanya? Kailangan talaga natin ng self reflection. Wag na wag magturuan ng mali. Dapat ang boyfriend mo mag reflect din sya. Ang pinakainam siguro na itanong sa boyfriend mo ay pakakasalan ka ba nya dahil lang sa buntis ka? Or dahil sa mahal ka at ng magiging anak nyo? Pilitin na mahinahon ang pakikipag usap nyong dalawa. 15-minute of silence will help. Nakakainis man pero pilitin mo mawala ang inis or galit sa puso mo para sa pagbubuntis mo. Love yourself. 2 questions for both of you: "Ok lang ba sayo na di ka kasal sa ama/ina ng anak mo? At ok lang din kaya sa anak natin na ang magulang nya ay hindi kasal? Ano ang mga epekto?" Ano man ang pagsubok, isipin mo na ang pagmamahal sayo ng Panginoon ay mas malaki. Hindi natin mararanasan ang bagay kung di natin kaya. Ang importante ngayon ay ikaw para sa pagbubuntis mo. Pls ask your bf, ano bang kaya nyang gawin para sa anak nya? Be patient sa nanay ng bf mo. Accept the worst but choose to be kind parin sakanya kasi nanay sya ng bf mo na ama ng anak mo. Yung tipong, "di mo man ako gusto pero ako ang magpaparamdam sayo ng totoong pagmamahal ng isang daughter in law". Always respect her kahit pa she does not deserve it kasi gaganda ang buhay mo pati ng anak mo. God knows best. I wish you a happy life.

Hi. Alam ko hindi tayo close. Pero nakaka s*** lang ung pag uugali ng boyfriend na. Naatim.mo na ganyanin ka nyan paano pa kapag nagtagaL kayo diba. Paano kapag may anak na kayo. Oo mahal mo beh pero eto ssbhn ko sayo mas mahirap.ang binat kesa sa panganganak sa totoo lang. Baka after mo manganak mas lumala pa yan. Sorry ha. Pero proven and tested na.mga ganyan lalaki at biyenan mong hilaw mahirap pakisamahan kung ayaw tlga sayo. Wag mona pilitin beh. Im so sorry sa nangyyre sa life mo.pero wag mo hayaan na lamunin ka ng depression afterwards nangyare na saken. And proud ako sa sarili ko kase nkakaya ko naman kahit papano. You said my work ka diba. Pang ilang baby mo na ba yan. Isa. ? Beh maging matatag ka. Alam kong kaya mo buhayin anak mo. Wag mo hintayin ung time na iiyak ka magisa sa gabi at mag self pity ka sa mga nangyyre kase ganun ako ngayon. Sobrang hirap beh. Pero kinakaya. Ko makisama kahit mhrap so far. Wala nang nangyre masama saken pero kung ikkwnto ko dto di tyo mttpos. Tatagan mo pa lalo loob mo beh. Para sainyo ni Baby. Pakawalang kwenta ng jowa mo sa totoo lang.

Momshie, toxic po masyado ang gnyang relasyon, mraming oras at sakripisyo ang sasayangin mo po dyaan kung ndi mo ilalayo ang srili mo sa boyfrend mo tpos mgiging kapalit pa ay puro sama at bigat ng loob. Hindi lng po ikaw ang magsusuffer, pinaka maaapektuhan po c baby. Momshie siguro nmn po mrmi kn rin naisakripisyo sa boyfriend mo so this time ENOUGH na po. Magmove forward ka na po at i focus mo n po lht ng oras at pagmamahal mo kay baby at sa srili mo po, bitawan m na ang boyfriend mo, msakit at mhirap sa una at alm kong dpt kumpleto ang pamilya pero kung gnyn ugali nya sayo talo ka pti ang baby nyo, gusto mo ba mommy na hbng lumlki ang bata, maging kgya din ng ugali ng boyfriend mong toxic, wlng mgndang maituturo ung bf mong toxic sa bata. Momshie wg k mnghinayang kung mwla n bf mo, mas manghinayang k sa future nyong mag ina na imbis maging maayos at msaya kayo, ee nauubos lng oras nyo sa puro stress at sama ng loob. pakatatag ka po. Sa huli panalong panalo kyo ng baby mo momshie pag inalis nyo na kaugnyan nyu sa toxic mong bf.

Hays dati ganyan dn ako ka stress sa bf ko humahantong pa sa hiwalayan pero hnd rn nmn nya kaya nakakapagbitaw sya ng salita dati ok lang kahit matagal kami d magkaayos pero nagkakaayos pdn nmn kami narerealize nya na mali sya.pero ngaun na may baby na kami lagi nya ko pinagpapasnsyahan meron pa ung times na talagang nagkakasagutan na kmi pero bgla2 dn sya magsosorry at gusto nya tumahan nako kasi kawawa daw si baby. Ibang iba dn mood ko ngaun na nagbuntis ako kaya iniintindi nya ako kaya thankful padn ako na lagi sya nakasupport samin nf baby namin lagi nya mas iniisip ung nararamdaman ko lalo nararamdaman dn daw ng baby namin kahit mas matanda ako saknya ng 4 yrs pero matured na sya mag isip im 12weeks preggy and 4days😊 .pero ung sitwasyon mo sis nakakagigil yang bf mo isipin mo nalang baby mo wag ka magpastress sa mga sinsabi nya kasi mas kawawa ka at lalo baby mo. Hiwalayan muna habang maaga pa sguro pag nagtanda nmn yan kusa pdn yan lalapit sayo

Buti kapa nga ganon byenan mo nag offer na mag pakasal kayo at tumira sakanila...sakin wala..bata lng gusto nila bahala ako sa buhay ko,..hnd nila ako gusto sa anak nila. Anak nmn nila sunud sunuran nlang sa nanay..kesyo dw bata pa anak nila,..ako medyo my idad na.☹️ Gusto ng nanay nya sa anak nila eh teacher, mapapangasawa.. ako kc highschool lng natpos ko.😖 Gusto ko ng buo ang pamilya,..pero wala na ako magagawa,.. magiging anak ko nlang pinili ko hnd na din ako humingi ng sustinto,..kc masakit sila mag salita,.. gold-digger dw..huh!!eh Ngayon palang nakikita ko na kung ano mga ugali nila. Kya kuntinto na ako mas pinili ko na kmi nlng ng magiging anak ko,.. naisip ko kc d nmn habang buhay eh ganito,.. kya medyo swerte kna din sa point na nag offer sila na pakasalan ka at tumira ka sakanila.😊 Pero nsa sayo pa din ang desesyon mamsh!😊💞

Huwag ka magpakasal sa knya.hirap pakisamahan ng mga lalaking ganyan at di mo dapat siya tinitiis sa ugali niya...isipan mo na lang di lang siya ang isda sa dagat at mas marami pang lalaki na deserving keysa ka knya.Parang pinapalabas pa niya na siya ang biktima sa relationship niyo..Pavictim siya!!!Verbal abuse yang ginagawa niya sayo sis at di dapat siya nagbibitiw ng masasakit na salita sayo especially buntis ka,kung ano nararamdaman ganon din si baby. Try mo siya isama sa marriage counselling para matauhan siya at malaman niya ang dapat at di dapat....Naiinis tlaga ako sa mga lalaking ganyan at alam ko na di lang siya ang ganyan,dami ko rin kakilala na gnyan mga hubby nila...Sana maging ok kayo para na rin sa baby pero kung di siya magbabago,ikaw na ang kumalas sa relation niyo bago pa lumala ang lahat..Good luck and God bless...🙏

Same situation sayo sis. Mga nsa 1st tri ako nung d kami literal na oky nung tatay, sa part na kaya iniiwan tayo ng mga ex ntin dhil baliw dw tyo same na same na sabi nya sakin😂 my mga babae dn sya jusko, 1week dn walamg paramdam nagpakasaya sa sa bakasyon nya sa macau, habng ako stress na stress ano ggawin ko to the point wala na ko makapitan. Pero tinatagan ko at dun ko nrealize na anjan pa parents ko na sumusupport sakin at mga kaibgan ko. Kaya sabi sakin wag ko muna pakasalan ung tatay dhil baka sa huli di rin ako sasaya. Pero but then pagkauwi mya narealize nya lahat ng mali nya. Kaya so far tinatama na nya at pinupuna na nya lahat ng pagkukulang nya. Pero ayuko pa dn magpakasal sknya 😂 tiwala lang sis . Kung d man magbago yan, pag nakita na nila si LO magbabago yan. Si LO ang mgging weakness nila. Pray lng lagi .

Ganyan din nangyari sakin. May time na tinanong ko din siya regarding sa kasama nya. Bigla siyang nagalit at sinabihan ako na insecure ako paranoid at baliw. Tawag sakin ng nanay nya lokaret. Sinasabi niya sa lahat ng tropa nya na wag maniniwala sa kung ano man sasabihin ko dahil may sayad ako at baliw. Ayun. Ending, babae/kabit nya yung kasama niya. 😁 nagbreak kami dahil sila na pala matagal na. Tas nung nagbreak sila nakipagbalikan siya sakin dahil gusto na daw nya ayusin pamilya niya. So far.. ngayon. Ayun stressed pa din sakanya dahil sa mga katarantaduhan. Bisyo. Tropa. Mahirap yang ganyang klaseng tao. Hindi pa tapos magbinata. Mahirap pakisamahan. Walang pinaniniwalaan kundi sarili. Minsan pati sarili niloloko. Goodluck

Hi mamsh, please be strong kahit mahirap, di lang para sa sarili mo, lalo na kay baby. Kung ganyan yung sitwasyon/nakikita mong ugali nya, sa tingin mo ba magiging mabuti siyang tatay, asawa? 15 weeks preggy ka pa lang. Dka na nya maintindihan. Ang hirap-hirap pa naman kapag naglilihi at inaatake ng mood swings. Sa tingin mo ba mamsh, mas okay na magpakasal kayo ? (Para sa baby?) Mahal ka po ba talaga niya? Sa tingin ko po baka mag suffer lang si baby kapag kinalakihan niyang ganyan tatay nya. And baka worst pa. Mahirap mag judge, alam kong masama yun. Pero base kasi dito sa post mo. Kaya nakapag comment ako ng ganito. Ipag-pray mo mamsh na bigyan ka ni Lord ng wisdom for decision making.

Hi momsh, I'll be frank nalang po ha, toxic po pag uugali ng boyfriend niyo, kawawa si baby pag ganyang environment makagigisnan niya. And as a mother ikaw ang poprotekta s baby mo, pano niyo po mapoprotektahan si baby eh sarili nyliyo di niyo kayang protektahan s boyfriend niyo. At hindi po assurance sa pagbabago ng tao ang pagkakaroon ng baby, nasa pagkukusa po yan momsh. Mag isip isip ka momsh hanggang di ka pa po nakatali sa ganyang lalaki. Karapatan ng bata magkaroon ng kumpletong pamilya pero kung toxic ang isang magulang mas karapatan ng bata magkaroon ng maayos na environment sa paglaki. Aanhin mo yung kumpleto kun toxic din lang naman. Think for your child's welfare.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles