30weeks. ❣️

ilang weeks nalang makikita ko na si baby. πŸ˜‡ Gustong gusto ko na syang makita. Para mabawasan yung sakit at lungkot nung niloko ako ng lip ko. Actually, pinatawad ko naman sya kaso di pa rin mawala sa isip ko, kasi hanggang ngayon may kummunikasyon pa din sila nung babae, di nya kayang iblock kasi mahal nya. πŸ˜” So ang labas ko ngayon, ako yung kasama sa bahay pero iba yung mahal. Paglabas ng anak ko, hahayaan ko na silang dalawa lahat ng oras at atensyon ko sa anak ko nalang. πŸ˜”πŸ’” Pag 3months si baby ko, magwowork ako agad para may pang buhay ako sa anak ko. πŸ˜‡ tutal sabi naman nya sa babae nya, di kanya tung anak namin. Samantalang yung babae, may dalawang anak sa iba't ibang lalake tapos gusto nyang pakatatay sa anak ng babae, pero sa anak namin gusto nya itakwil. Hayss. Kaya ko to πŸ˜‡ Ilang weeks nalang na pagtitiis. ❣️

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kung emotionally and psychologically bothered ka dahil may babae siya,(kahit wala kang picture o video ng "naaktuhan" sila) pwede mo siyang kasuhan.. khit sabihing di pa kayo kasal.. sa kabilang banda, if wala pa nmn nangyari sa kanila, baka pwede nyo pang ayusin at pag usapan sa mahinahong paraan.. yung wala pong sumbatan ng mga kasalanan. iba po talga kapag lumaki ang baby mo na buo ang pamilya niya, di nya mararamdaman na may kulang. in my experience, sinasabihan ko ang asawa ko na kung gusto niya ng magulo at maghirap pa lalo sa buhay eh mambabae siya..Go! at once ginawa niya yun eh sinisigurado ko sa kanya na wala na kaming balikan.. yun.. nakuha sa reverse psychology. matino naman at lalo pang naging karinyoso.. isa pa, wala pong malisya. for me, dapat po pagdating sa intimate moment eh marunong ka rin pong mangarinyo.. yung tipong nakikita niya na nag eeffort ka pagdating sa ganung bagay.. once na satisfy siya, wala ng dahilan para maghanap siya ng iba..babae po talga ang nagdadala sa pamilya. nasa iyo po kung hanggang saan ang kaya mo gawin para maging ok ang pamilya nyo. Need po natin ibaba ang pride, khit pa sabihin nasa tama tayo. and most important po, idaan nyo po sa dasal. mabigyan po kayo ng karunungan kung ano po ang mabuting gawin.. sana po makatulong mommy.

Magbasa pa