Poltergeist | The Encounter

Ilang gabi na din akong di agad nakakatulog. Kapag nasa kwarto na kasi kaming lahat at wala ng tao sa sala o sa kitchen dun na nagsisimula ang di ko mawaring tunog at ingay. Tunog ng mga upuan na parang hinihila at natutumba. Tunog ng may nahuhulog na mga gamit. Minsan pa napakalakas na pagbagsak ng kung anong bagay. Wala naman kaming alagang pusa o aso sa loob ng bahay. Di lang ako ang nakakarinig kahit mga anak ko. Natanong nga si bunso bigla, "what's that noise mommy"? Sinagot ko lang mukhang may nagpaparty anak. Di naman ako masyadong matatakutin pero nakakakaba din kasi at baka may magnanakaw na na nakapasok. Kaya minsan chini-check ko din talaga agad. Pero wala. Walang tao. Naka triple lock lahat ang mga pintuan at nakagrills ang bintana ng bahay namin. May alagang aso din kami na nasa labas ng bahay at di tumitigil sa pagkahol pag nakakakita ng ibang tao. Pag lumalabas ako sa sala at kitchen para magcheck, minsan ang tumatambad sa akin ay upuang natumba na o ilang mga gamit na nasa sahig. Alam nyo yung feeling na tumatayo ang balahibo mo sa batok at braso? Ganoon ang lagi kong nararamdaman kaya minsan, bahala na, ayoko ng magcheck pa. Pero ngayong gabi, saktong tulog na ang lahat bigla na namang may mga kaganapan sa labas ng pintuan ng kwarto, tunog ng nahulog na susi o baka kutsara, basta matinis na kalabog sa sahig. Tunog ng kalabog ng pintuan sa kabilang kwarto na parang binuksan at sinarado din agad. Wala namang natutulog doon ngayon. Di na rin ako makatulog (2:30am) at parang may naglalakad sa harapan ng pintuan ng mismong kwarto namin ng mga bata habang nagta-type ako nito. Mas sumobra pa ang kaba ko at may biglang kumatok, 3 beses na mahihinang katok. I-checheck ko ba? Sisilipin? #MagandangGabi

Trending na Tanong