Nakakakaba ilang beses na

Magandang umaga po. kinakabahan na naman po ako. nagising lang ako kani kanina. may narinig ako na parang may umiiyak na parang aso na parang hindi naman dito sa may ulunan ko. ang tinitirhan ko po kasi ay isang bahay na bato na may part na gawa din sa plywood lamang. at ang ulunan ko ay plywood na may konting siwang, dahil sa pinagkabitan ng bato at plywood. pinakikinggan ko ng maigi, parang naiyak, naungol pero nd naman pagalit o agresibo. basta parang kawawa yung iyak na ungol. ako lang po mag isa sa kwarto ko. pero sa second floor po, minsan may tao. pero nd nila naririnig yung mga naririnig ko. last time, may kakaiba din akong narinig. umuungol pero agresibo yung tunog. bigla ako nagising kasi parang sa pandinig ko ang lakas. parang nasa gilid ko lang o nasa malapit lang sa akin. mga 3:30am yun siguro o mga bago mag 4am. sinabi ko sa kanila. wala sila nadinig. hindi naman din aso kasiii alam ko pag tunog ng aso. saka wala naman aso dito sa may loob ng bahay namin. o ilalim ng hagdanan. mas lalong hindi naman yun ungol na magmumula sa mga kasama ko para mag walang hiyaan lamang

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hi sis ... naeexperience mo parin ba to til now

3y ago

simula po nung nag lagay ako ng bawang at asin sa may ulunan ko. sa mga bintana at pintuan. natigil po yung mga alulong ng aso at mga kakaiba ko nadidinig po. nararanasan mo po ba ngaun? kasalukuyan po na akoy 7 turning 8months na po.