Nananakit na asawa

Ilang beses na po nag attempt ung asawa ko na saktan ako physically pero di naman po ka grabe. Ung tipong dumadapo lang po ung kamay niya sa braso ko. Aminado po kase ako na di rin ako nagpapatalo minsan sa asawa ko may pagka madaldal din po ako bilang babae. Sapat na po bang dahilan un para saktan ako ng asawa ko? Sa pagiging madaldal ko minsan? Ung asawa ko po sobra kung magalit. Pag nag aaway kami binubulyawan ako palage at minumura ako. Pa advice po sana mga mima. 🥹

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Kung ang mindset niyo magasawa dapat “hindi magpatalo sa isa’t-isa” ending pareho kayong talo at ang magsa-suffer ay ang relationship at pamilya niyo. Hindi maja-justify ang pananakit pero hindi pwede na porket tama ka hindi ka na titigil ng kakabunganga (no offense). Kung alam niyo sa isa’t isa na may mga pangit kayong ugali kapag nai-stress or nagagalit, pagusapan niyo at hanapan ng solution. Intindihin niyo ang isa’t isa para matuto kayo magadjust at maiwasan ang paglala ng problema. Normal sa mag-asawa ang misunderstanding at pagaaway, pero hindi na normal yung pinapalala to the point na magkakasakitan verbally at physically. Tsaka iwasan rin yung paghahanap ng kakampi sa labas, mula sa kaibigan or pamilya. Dapat kayong dalawa ang magkakampi may understanding or misunderstanding man. Yun lang po.

Magbasa pa