49 Replies
tingin ko mahirap na biglaang tanggalin yung hobby ng lalaki. kasi yung husband ko ganyan din. adik sa mobile games, ML specifically. hirap kausapin hirap pagsabihan minsan sila pa galit kahit papakainin or patutulugin mo lang naman. eversince adik siya sa games hanggang ngyon na magkakababy na kami at kakakasal lang namin. pero the good thing is that hindi niya naman ako sinasabihan ng masasakit na salita. inilagay ko nalang sa isip ko na, yun talaga siguro libangan niya kasi pagod siya from work at hindi naman siya nalabas ng bahay masyado. binigay ko nalang din yung onting bagay na yun sakanya sa leeway sa pagod at stress niya. pero in your case pona sinabihan ka ng ganun. try to talk to him and open up kung bat mo siya pinipigilan minsan kung di niya ba kayang controlin. kasi kamo magkakababy na kayo di naman pwedeng ikaw todo alaga siya todo laro. wag kamo ganun hahaha anyways. kinasal na kami last feb lang and I also had second thoughts a week before our wedding kasi nga napansin ko puro siya laro at phone. pero inopen up ko sakanya yun. and gusto ko naman naging resolution niya. nagless pero hindi nastop. thats fine by me. kesa naman babae o sugal o drugs inaatupag niya. atleast bahay work bahay work lang talaga siya. so inaccept ko nalang na yun talaga way niya to vent out his stress from work and from me😊 wag mo nalang tiyempuhan na talo siya pag akkausapin mo na siya para di mainit ulo hahaha
Sis, put your emotions aside.. Breathe, have a serious calm talk with him. Tell him you want to build a future with him and hopes he feels the same way too. Tell him you need more of his time, lalo na pag nandyan na si baby. Ask if he can lessen playing games as you need him to be there for you not just physically but emotionally. Tell him you need him to be reassuring of his love and is really commited to both of you as soon to be man and wife.. Make him understand how his attitude of disregarding you affects you because of his gaming addiction... If he validates your concerns and how you feel, and makes commitnent to adjust then that is good... However if he disregards you still, then maybe you should reassess if you should pursue with the wedding... You need to be with a man and not a child... If you decide to marry him still kahit he invalidated your concerns, then never ever complain. Since you already know that he will not change. Sabi nila when you marry, you have to love the shortcomings and negative aspects of your spouse. It is easy to be in love with a man that ticks all the good boxes... So have a good look at you partner now.... Can you stay with a man like him for maybe for decades?
Open communication. Better iopen mo yung side mo din. Kasi hubby ko adik jan sa ML at ROS after work pag sinabi niyang nagegames sya hinayaan ko lang kasi yun yung way niya para mawala stress sa work pero pag gusto ko sya kausapi lagi ko lang sinasabi "daddy pagtapos mo jan may paguusapan tayo ha" sign of respect din kasi yun wag natin alisin yung hobby nila and ayun after games minsan nga di pa tapos sa subrang curious kung ano paguusapan hehe. Siguro bigyan mo sya ng space kasi mahirap alisin pag hobby niya e. Better ipakita mo na support ka lang para di maramdaman na sakal sya.. Give him a time and vice versa bibigyan ka din niya ng time. Give and take lang 😊😊
Up to you. 1st. Alam mo na ang hobby nya. There's a chance na hindi nya tatalikuran ang gaming. May pinsan ako. Lagi nag rereklamo asawa nya kasi hindi siya pinapansin. Lagi lang nasa harap ng computer. Until such time. Pinabayaan na lang ng asawa nya. 2nd. Since alam mo na ganyan cya. Kaya mo ba tanggapin ang pagkatao nya? May mga flaws siya and ikaw din. Walang perfect. Kung talagang mahal ninyo ang isat isa. Mapapag usapan ninyo yan. Eventually mag aadjust din kayo. Sa kasal. May chance ka pa mag re sked kasi naka community quarantine tayo... pwede mo gawin excuse yun. Saka ka na mag decide pagka panganak mo. Kasi ngayon buntis ka.. masyado mataas emotions mo 😉
Ay grabe nman po, yung jowa ko madalas din naglalaro halos hndi ko po sya makausap din pero pag inagaw ko na sa kanya yung cellphone natatawa lang sya sa akin, yun nga lang pag d kami magkasama wala ako magagawa kung di maiyak sa galit kac tawag ako ng tawag sa kanya kac nagalala lang nman ako sa kanya kung sasagutin man sabihin nya maya nalang ako tatawag tapos pagtatawag na ako ulit madalas pinapatay nya...hindi ko alam kng praning lang ako masyado...kasi kng magkasama nman kami super alaga nman nya ako maya maya sya nakayakap at halik sa noo ko..ewan ko lang masyado nya lang siguro ako naspoiled tuwing magkasama kami kaya napapraning ako pag hindi ko sya kasama
Sis, asawa ko mahilig din sa mga games. Pero naiintindihan ko naman un.. buong araw sya sa work para makapag provide sya sa family kasi preggy at home lang ako. Kumbaga quality time naman na nya un para sa sarili niya after work.. mas ok pa un nakkta mo sya nag pplay sa loob ng bahay kesa mag gala gala sa labas at makipaginuman.. sabihin mo lang sknya, after nya magplay sana may babe time parin. Marerealize din naman nya na over na ung oras na nilalaan nya sa games. Baka kaya sya lumalabas kasi naririndi siya sa kakadakdak natin.. Talk to him lang po ng maayos :) minsan tayo rin buntis ang kailangan umintindi sa asawa natin. Kasi napapagod din po sila..
Wag mong madaliin ang kasal sis baka ikasisi mo pa yan hayaan mo lang na makilala mo pa sya mahirap matali sa taong walang pake at balak magbago for you. Gamer din bf ko at same na same tayo ng sitwasyon, tuwing off nya sa work nag aupdate naman sya pero minsan iniintindi ko nlg na naglalaro din sya at tulog nalang palagi kase call center ang work nya pero hindi pa man kaami kasal now i know na sya na pakakasalan ko di lang dahil maaga kami nakabuo kundi dahil alam naman bya priority nya at kami yun ng baby ko. Sana malinawan ka na di porket magkakaanak na kayo papatali kana jan sa bf mong simpleng pag tawag mo eh galit na
Its a no for me, just my opinion. Dont settle for someone na bastos at irresponsible. You and the baby should be his number 1 priority. Sobrang childish niya pa, for me ha. Imagine paano kung naglabor ka na pero hindi mo daw siya pwede istorbohin ? Jusko naman can he take the responsibility of what might happen to you and your baby ? Ngayon palang iresponsable na siya paano pa sa susunod na araw ? Linggo ? Buwan ? Taon ? Jusko po. Think wisely siz. Isipin mo future niyo ng baby mo. At the end of the day, its your call. Godbless you !
adik din si hubby sa ml e pero di naman sia ganyan. Kase kinakausap ko sia lage na dapat my oras dn sia sakin, di ko naman sia inaawat kase di naman maawat. Ngayon ang set up namin, ako muna bago ml kase buntis ako, di ako pede mapagod..Kaya aasikasuhin muna nia ako then pg okay na lahat, nakakaen na kame tas nka ugas na sia pinggan, okay na.. maglalaro na sia.. tas ako din maglalaro na hahahhaa Sinabayan ko sia mag ml hahahhaa Minsan ml dn bonding namin hahaha Pero date nung di pa ako nag ml, my time pa rin naman sia sakin.. :)
Kung nagdadalawang isip ka ngayon tungkol sa kasal niyo sa tingin ko much better kung postpone muna hanggang maging definite yung decision mo kasi di naman porket may anak kayo ay magpapakasal na kayo. If di ka niya maalagaan ngayon palang na buntis ka and di pa kayo kasal ano magiging difference niya kung binded na kayo. Know your worth momsh and yung magiging mental and emotional damage niyan sayo lalo na sa anak mo pag nakikita kayong nag aaway or di okay. Worse is baka di pa maging priority sa kanya ang anak niyo.