9 Replies
Kung di po kayo maselan, better if meron mga pamana/ hand-me-downs from friends and relatives, mas practical po specifically for newborns na mabilis lang makakalakihan. Kaya kahit baby boy anak ko, puro pink gamit nya nung una dahil puro babae pinsan nya 😅 Pero depende rin po anong balak nyo. Breastfeeding or Formula milk? Since I've decided to exclusively breastfeed, hindi ko nagamit yung bottles at tsupon. Mas nagamit ko yung breastmilk cups, even now na 2yo na si lo, lagayan ng snacks nya. I barely used the sterilizer. Mas naging helpful sa akin ang breastmilk bags (yung for 2-3 oz, para hindi sayang kapag magthaw ng milk). Hindi ko kinailangan ang breast pads. Essential sakin yung nursing bra. Cloth diaper or disposable? Cloth diaper gamit ko. It's a whole new complicated topic altogether pero essential din ang automatic washing machine for this. Other essentials for me: - Sling carrier for babywearing - High chair (for 6 months) - play pen, cushioned mat, stair gate (for when he starts to crawl and walk) - citronella oil/ insect repellant - sunflower oil - Baby wash - books - plugs for electric outlets I skipped the ff: - duyan, crib (co-sleeping kami sa bed na nakalatag lang sa sahig) - Walker - baby lotions, cologne, powder - wet wipes. Never nagkaroon ng diaper rash si baby dahil I wash soap* and water instead. Emergency lang for when we go out ang wet wipes. Should've/ Could've skipped: - Stroller. we had one na pamana and it was useful dahil nagserve na rin sya as duyan ni lo, pero mas ok siguro kung nagduyan na lang kami. Too bulky rin sya to bring around. - Less Toys. Very curious si lo but his attention span is very short as well. A new toy will interest him but not for long. Mas nae-enjoy nya yung kahon ng toys, and normal household stuff. You can focus on the stuff na gagamitin mo for the first 3 months. Then just buy the others as he grows... ☺️
Essentials: 1. Baru-baruan (set na may kasama pambaba) 2. Mittens (ung di tali para hindi parati nalalaglag) 3. Boots (ung di tali din) 4. Bonnet (oks na ung 8pcs lang) 5. Lampin (madami dahil parati nalungad ang baby) 6. Muslin Blanket (ilang piraso lang para pang sapin or blanket) 7. Sanicare Jumbo Cotton Balls 8. Mustela Barrier Cream (super effective for diaper rasher or basta namula lang) 9. Tiny Buds Rice Powder (for diaper change) 10. Tiny Buds Cotton Buds (ung may scoop ung dulo) 11. Aicete De Manzanilla (di pwede wala nito sa list) 12. Mustela Baby Lotion (for extra sensitive skin and dryness ni baby) 13. Unilove Wet Wipes (so far eto ung basang basa talaga ung wipes at mura pati. Safe sa skin ni baby) 14. Mamypoko/Rascal + Friends/Hey Tiger newborn diaper (kung may budget ka po, proven no leakage diaper) 15. Mafabebe Sterilizer 16. Diaper Caddy 17. Avent 4oz Bottle (2 lang na 4oz) 18. Avent 9oz Bottle (3 lang) 19. Braun Thermometer (kung may budget ka po) 20. Safety First Nail Cutter 21. Sling Carrier for babywearing 22. Baby Body Wash (any brand, bili ka po muna travel size or maliit para mahanap mo saan mahiyang skin ni baby) 23. Cradle Liquid Natural Bottle (walang amoy naiiwan sa bote kapag hinugasan) 24. Silicone Baby Bottle Cleaner 25. BabyFlo Petroleum Jelly *Eto po mommy so far gamit ng 3 month old irish baby ko. Binibili ko lang po is anong kailangan ni baby. Tsaka ka na lang po bumili ng iba pa na gamit pag nakalabas na si baby para ikaw mismo makapag isip ano sa tingin mo kailangan para kay baby. Para maiwasan ung bibili tapos di naman pala magagamit ni baby. Just sharing what i have experienced 😊
Hello! 7mos ako nung namili ng gamit. Para alam na yung gender. Newborn clothes, Sabon (aveeno mo na agad mi kasi yun prescribe karamihan ng mga pedia), NB diapers, Barrier cream, cotton or dry wipes nalang. maghanda ka na rin ng feeding bottle if wala agad lumabas na milk. sa binder naman para sakin wag ka muna siguro bumili kasi dapat normal ako kaso na emergency cs ako then bikini cut so di ko nagamit yung binder na nabili ko kasi mas masakit haha. actually sa tiktok lang ako naghanap ng newborn at hospital essentials hehe
Yung sakin mamsh, hindi naman. full panty lang sapat na
basic needs nlng po bilhin nyo para di kayo magsisi sa huli 😅 Dami kong binili since ftm ako nanuod ako ng youtube pero your needs depend on you lifestyle. Basic - baru2an - pajama/shorts - bonnet (mga 2weeks lang nagamit namin kasi di na agad magkasya) - mittens (for 2weeks use kang rin) - botties - cotton - alcohol - nb diaper - basin (gamit sa pag ligo) - body wash - baby nailcutter wag masilaw sa sale sa tindybuds haha yong oils nila di namin nagamit di naman talaga sya essentials.
Nagstart ako mamili noon around 6-7 months na since high risk pregnancy ako... nakumpleto ko siya nasa 9th month na ako. I suggest you watch these youtube videos of Mom Jacq sa youtube, she's a nurse too and sa kanya ako kumuha ng ideas on what things to bring sa hospital. 1️⃣https://youtu.be/SxHPlK-LvWA 2️⃣https://youtu.be/V0CH5PzM_Jw 3️⃣https://youtu.be/fe_4a3FS_QU You can watch her other videos as well. Super helpful!
Thanks for sharing momsh ✨
wag mamili ng madami, baka masayang. nung ftm ako dami kong stocks ng diaper, body wash, lotion, cream, etc. ang ending hindi hiyang ni lo so nasayang lang. top brands pa naman yun. sa mga pang matagalang gamit like higaan, stroller, walker, etc....choose ung color na pwede pang babae & lalaki. tulad ngayon, jontis na ulit agad ang lola mo after a year, kaya magagamit ng baby 2 ko. 😂5 mos preggy ako ngayon. 😆
ako po namili lang nung nalaman ko gender ni baby hehe tig kakaunti lang binili namin na baru baruan dahil mabilis daw lumaki ang baby hehe sa ngayon 1month na si baby .. nakasando na 😅 dina kasya ang pang newborn haha
kaya nga hehe Congrats sayo!! Malapit mo na makita si baby hihi ❤️
Fkr if may balak kayo mag anak pa bumili ka na nv gender colors na gamit haha sana yun ang ginw ako. Girl eldest namin then boy si bunso.
Thanks momsh! Maganda nga po neutral colors para magagamit ng susunod na baby kung sakali 🥰
nood po kayu sa tiktok ko mi pinost ko po dun ftm din and tapos na aa mga gamet ni baby tiktok: ms.jeangray ❤️
Gee Uy