Breast Milk
I'd like to ask lang kung possible pa ba na magkabreast milk ako ulit. Since birth, napadede ko naman sakin yung baby ko nang almost 2 months kaya lang sa sobrang busy sa work at shifting pa ang schedule di ko na sya napadede. Hanggang sa tuluyan nang nawala yung milk ko. Nagwoworry din ako kasi baka madede ng baby ko yung stress ko sa work. May times din before na nahihirapan syang dumede sakin kasi flat na yung nipples ko. Kaya pinagformula ko na lang sya. Pero dahil sa mga nababasa ko na better talaga ang breast milk sa baby kesa sa formula, I felt guilty. May pag-asa pa bang bumalik yung breast milk ko? Paano kung bumalik pero di na dumede sakin yung baby ko? Please help. ?