Okay lang ba na ibang tao ang magdisiplina sa anak?
TAParents, para sa'yo, papayag ka ba na ibang tao ang magdisiplina sa anak? Comment below your thoughts and kwentos!


Hindi okay na ibang tao ang magdisiplina sa ating mga anak. Bilang isang parent dapat tayo ang magdisiplina sa ating mga anak upang sila ay sumunod sa atin at gumabay sa kanila kung ano ang tama at mali. Tulad sa sitwasyon ko ako ang lumalabas ngayon na kontrabida sa mga anak ko, kaya para sakin huwag tayo pumayag na makialam ang mga lolo sa pagdidisiplina sa ating mga anak dahil nagiging spoiled . Papayag naman ako na disiplinahin sila ng mga titos, titas at grandparents kung may mali sila ginawa at ikabubuti nila. Pero kung sobra na sila makialam sa iyo kung pano mo disiplinahin at way ng pag aalaga sa mga bata ito ay mali na at nakakainis na dahil hindi mo magawa ang gusto mo para sa anak mo .😶
Magbasa pa