8 weeks pregnant with 3 types of pampakapit
May iba pa po bang mommy na ganto, 3 klase ng pampakapit bigay ng OB ko. dalawang oral 3x a day at isang insert every night. andami gamot ๐ wala naman po ako reklamo kung para sa ikakabuti ng baby, i just want to know kung may ganto din case to ease my mind. kasi masuka suka na po ako sa gamot, hirap din ako sa pagkain ๐ฅนmay iba pa pong reseta aside pa sa pampakapit at complete bed rest din ako ngayon dahil nag spotting ako.

kahit medyo mahirap gawin irelax mo po mommy ang isip mo,as long as sinusunod mo ang payo at instructions ng obgyne mo wag masyado mag overthink,makakasama yan sa baby mo.. share ko nadin experience ko sa 3rd baby ko,6 weeks gestation after 1st ultrasound nakita agad medyo mahina heartbeat ni baby at panay sakit puson ko left side lang kaya medcert ko ay treathen miscarriage complete bed rest for 1 month with duphaston 3x a day..Bago ako mabuntis healthy ako,walang hypertension or diabetes pero 7 weeks gestation nung natrace Gestational diabetes, ulit ulit test andyan ung nag OGTT ako,tapos nirefer ako ni doc sa diabetology tapos nirefer din ako sa nutritionist para mamaintain sugar ko,btw for first week natrace everyday ako nagtutusok nyan 4x a day without meal and after each meal,,sakit sa daliri nun mie,,pero tiis tiis malala and naging best friend ko tlaga ang blood sugar test hanggang manganak ako pero once or twice na lang depende kung tumataas sugar ko.. 16 weeks nmn nung panay sakit padin puson ko,imbes na once a day na lang duphaston ko balik n nmn sa 3x a day and bed rest..tapos sinabayan pa ng pagtaas ng bp ko kaya ayun metyldopa ang person.. 29 weeks mie nag mucus plug ako with bleeding at may contraction ayun bed rest n naman during check up sabi ni doc buti hindi nag open cervix ko pero soft na tlaga sya kaya dapat doble ingat pa and another gamot na naman for 10 days( limot ko ung name ng gamot pero 2 in 1 sya for hypertention and pangpastop ng contraction) may side effect sya mie everytime nainom ako may palpitations sya,as in hirap ako huminga,ayaw tanggapin ng lungs ko ung hangin..33 weeks naulit na naman ang mucus plug,,kaya pinainom ulit ako ng gamot na susme apakahirap huminga pero no choice ako di pa pwede manganak,, panay taas na bp at sugar ko dahil nag ooverthink na ako..pero sabi ni doc keep him updated as in basta may maramdaman ako msg agad sa kanya and bilis lagi ng response nya kaya agad nawawala takot ko,every week nadin check up ko,36 weeks mie may lumabas na watery sa pempem ko ayun naemergency ang person kc with contraction sya,pagdating sa ospital monitor agad and mabuti na lang hindi consistent and contraction kaya after 1 and half hour pinauwi din kame,, sabay sabay panalangin namin pati ni doc na sana umabot kahit 37 weeks pra full term na daw c baby kapag lumabas,my contraction ako nafefeel araw2x,nung nag 37 weeks naman na hindi na makontrol blood sugar ko as in kahit apakakonti na nga lang ng kinakain ko pero antaas padin, kaya sabi ni doc dapat manganak na ako binigyan nya din ako ng 3 days kapag di pa daw ako nanganak need na ako i CS para maiwasan ibang complication..prayer is the key mie buti saktong 38 weeks nanganak na ako, healthy baby girl 3kg with chubby cheeks๐ kaya tiwala lang kaya nyo yan ng baby mo
Magbasa pa


