BED REST -

May iba iba po bang meaning yung bedrest? May bed rest po ba na pwede ka parin tumayo tayo pero minimal lang yung kilos mo? Or pag sinabing bedrest, complete bedrest na lahat gagawin mo in bed? #firsttimemom

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mi ako po high risk nakunan last year kaya ngayon buong pregnancy ko po naka bedrest po. And bawal po pumasok sa work kaya naka sick leave ako sa buong 9 months. Pero dito po sa bahay since wala naman kaming problem ni baby alalay po ako sa gawaing bahay, Saing and hugas plato lang po ginagawa ko si hubby po nag lalaba at lahat lahat. Bawal po mag buhat ng mabigat, Madalas din po ako naka higa since placenta previa po yung problema ko last year kay baby na going 6 months na sana. Hindi rin po ako lumalabas ng bahay lalo na kung babyahe. 4months din po akong uminom ng mga pampakapit. Depende po kasi sa case yung bedrest lalo na po kung may bleeding.

Magbasa pa