Breastfeeding

I want some help kasi I've been trying various ways para magkaron ako ng milk. Sobrang baba ng milk supply ko and I've been wanting to breastfeed my baby for months. Hiyang naman siya sa milk supplement niya pero masyadong magastos. Ayaw na din maglatch ng baby ko sakin since nasanay na nga siya sa bote. One mistake na pinagawa sakin ng OB ko is pinatigil ako sa paglatch sa kanya from the mere fact na nagdudugo lang nipples ko dahil sa latching niya. Healthy naman si baby ko but I want him na magdede sakin since approved talaga ako na mas healthy ang breastmilk ng isang mommy. I really need your help mommies; I tried 8 boxes of mother nurture on a daily basis pero wala, I also tried 18 mega malunggay capsules and 14 atienza malunggay capsules but to no avail di pa din nag increase breast milk ko. Please help me on how I can increase my supply of breastmilk.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, I have a few advices for you. 😅 First of all, I suggest you change to a breastfeeding advocate na pediatrician. Kasi kapag advocate never yan mag-susuggest na mag formula baby mo unless meron kang certain medical conditions na major and hindi ka puwede mag breastfeed. Second ang pinaka mabisa lang talaga mommy na pampadami ng milk is through latching of your LO. Kahit ano pang milk booster yan or kahit uminom ka pa ng ilang gallon na tubig kung hindi mo napapa-latch effectively baby mo, hindi ka makakapag produce ng milk. What I can suggest to you is to get an appointment with a lactation consultant for relactation. Makakatulong sila sa’yo para mapa dede ulit baby mo sa’yo. 😊 Don’t give up, momsh! 😊

Magbasa pa