Hi mommies!

Hello, I want to share my story. Ever since I was 2 months pregnant nag'resigned na ko sa work kahit na 1month palang ako dun due to high-risk pregnancy. It's not my 1st time job pero it's first time job na related sa tinapos na course ko. Since then, sobrang bumaba yung self confidence ko. Feeling ko wala akong kwenta, ni hindi man lang ako nakabawi sa parents ko since fresh graduate lang din ako. Araw araw mag'isa ako sa bahay kasi nga bed rest ako. Sobrang selan ko sa lahat, AS IN. manganganak nalang ako nagsusuka parin ako hehe kaya kahit pagluto ng pagkain hindi ko magawa as in literal na parang wala akong kwenta, though yung husband ko never niya pinaramdam sakin yun at hindi rin naman issue sa kanya yung pera kasi he can support naman lahat ng needs namin. Now my baby girl is turning 5months old and God knows sobrang thankful ako na naaalagaan ko siya pero sobrang sama ng dibdib ko kasi nakakaramdam ako ng inggit sa ibang friends and batch mates ko. Alam niyo yung nakikita niyo silang successful sa mga works nila at ako ito, ni hindi ko alam kung ano ba talagang gusto kong maging. Please don't judge me mahal na mahal ko yung anak ko, to the point na kaya kong i'give up lahat to be with her pero sobrang hirap pala. Every single day, I always asked myself if I am really worthless, na hanggang dito nalang ba ako? I really want to work but the fact na iiwan ko yung anak ko sa iba lalo na exclusively breastfeeding kami naiiyak na ko. Kaya mommies enlighten what to do. Kasi hindi ko na kaya yung insecurities ko :(

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy. My baby is 5 months old today too. And today, I also got a job offer for a home-based job. Matagal tagal ko pinagisipan kung magiging SAHM ba ako because kaya naman ng partner ko to shoulder all expenses. But deep inside I know I can do more. So yun. Nagagree kami na magwork na ako since may yaya na si baby and nandiyan mom ko or mom in law to help us in taking care of baby. Sobrang lungkot ko dati kasi pagod ng sobra tas parang walang fulfillment. Pero pag inisip mo, nagnnurture tayo ng person to become a good citizen of this society. Malaking bagay na yun eh. Pero if you wanna work, try mo home based hehe Or normal job but hanap ka lang perfect arrangement niyo sa bahay hehe

Magbasa pa