Hi mommies!

Hello, I want to share my story. Ever since I was 2 months pregnant nag'resigned na ko sa work kahit na 1month palang ako dun due to high-risk pregnancy. It's not my 1st time job pero it's first time job na related sa tinapos na course ko. Since then, sobrang bumaba yung self confidence ko. Feeling ko wala akong kwenta, ni hindi man lang ako nakabawi sa parents ko since fresh graduate lang din ako. Araw araw mag'isa ako sa bahay kasi nga bed rest ako. Sobrang selan ko sa lahat, AS IN. manganganak nalang ako nagsusuka parin ako hehe kaya kahit pagluto ng pagkain hindi ko magawa as in literal na parang wala akong kwenta, though yung husband ko never niya pinaramdam sakin yun at hindi rin naman issue sa kanya yung pera kasi he can support naman lahat ng needs namin. Now my baby girl is turning 5months old and God knows sobrang thankful ako na naaalagaan ko siya pero sobrang sama ng dibdib ko kasi nakakaramdam ako ng inggit sa ibang friends and batch mates ko. Alam niyo yung nakikita niyo silang successful sa mga works nila at ako ito, ni hindi ko alam kung ano ba talagang gusto kong maging. Please don't judge me mahal na mahal ko yung anak ko, to the point na kaya kong i'give up lahat to be with her pero sobrang hirap pala. Every single day, I always asked myself if I am really worthless, na hanggang dito nalang ba ako? I really want to work but the fact na iiwan ko yung anak ko sa iba lalo na exclusively breastfeeding kami naiiyak na ko. Kaya mommies enlighten what to do. Kasi hindi ko na kaya yung insecurities ko :(

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Just always pray & trust God's process. Lahat tayo dadating sa time where we can all be successful, just be thankful sa blessings ni God sayo. Lahat tayo mamsh may kanya kanyang timing. So don't compare yourself sa ibang tao, iba ang path mo iba din ang path nila basta hingi ka lang nh guidance kay Lord. For sure he'll bless you and your family. Tiwala lang ❤️ everything will fall into rightful place at the right time. 🤗🤗

Magbasa pa

be strong po! start working nalang po pag medyo malaki na si baby hehe or its up to ypu po, pero your baby is an angel from above. ❤ okay lang yan sis, di porket na nahuli ka and sila succesful na, ibogsabihin na nun ay wala kanang chance maging succesful din, malay mo may right timing para sayo and much better diba? :)) so cheer up po! iba iba din naman po ang tadhana natin hehe :)) congrats po sa baby niyo! :))

Magbasa pa
VIP Member

Hay naku sis ! Nasa sampung utos ng diyos , bawal mainggit !! Hehe Ok lng yan sis ☺ pray k lng may plano ang diyos sayu saka sa baby mo 😉 wag kang magmadali , wag mo silang gayahin keshu sila ganyan . Baka malay mo mas worth it pa ibigay sayu ni god ☺ tiwala lng sis . Makakarating ka rin sa dapat mong pupuntahin , maghintay ka lng ☺

Magbasa pa

Ano ka ba mamsh. Ang pagiging nanay ang pinakamahirap na trabaho sa buong mundo. Kaya yung nasusurvive mo na isang araw, baka wala pa yan sa kalingkingan ng workload ng batchmates mo sa mga trabaho nila. Cheer up mamsh. You are the best!

Same momsh. Hoping din n mag bago ung pananaw ko pag labas ng baby ko.. at d gnun mging mentality ko.. gusto ko n din mag work pero gusto ko din alagaan anak ko ng full-time..haha pag pray natin momsh ano ibbgay ni Lord.

Same tayo momsh.. iniisip ko nalang sana makabawi ako at umangat sa buhay kahit panu pagkapanganak ko at makapagwork ulit, sa ngayon mas iniisip ko maisilang ko ng maayos yung baby ko..

Tama sila hahaha. Ganyan din nafefeel ko mamsh 😊 Pero narealize ko di naman race ang life. Our time will come dont worry 😉

ganyan po ata lahat ng mga momsh na nagwowork at bigla natigil.ganyan din po kasi ung feeling ko.pero nagpe pray na lang ako kay God

Ok lang yan.. Si baby girl ang cristal ng successful mo.... Take time mom makakapagwork ka pa rin po, 😊

Sa ngayon ka lang naghihirap sis. Someday masusuklian din lahat ng sacrifices mo sa baby mo ..