Hi mommies!

Hello, I want to share my story. Ever since I was 2 months pregnant nag'resigned na ko sa work kahit na 1month palang ako dun due to high-risk pregnancy. It's not my 1st time job pero it's first time job na related sa tinapos na course ko. Since then, sobrang bumaba yung self confidence ko. Feeling ko wala akong kwenta, ni hindi man lang ako nakabawi sa parents ko since fresh graduate lang din ako. Araw araw mag'isa ako sa bahay kasi nga bed rest ako. Sobrang selan ko sa lahat, AS IN. manganganak nalang ako nagsusuka parin ako hehe kaya kahit pagluto ng pagkain hindi ko magawa as in literal na parang wala akong kwenta, though yung husband ko never niya pinaramdam sakin yun at hindi rin naman issue sa kanya yung pera kasi he can support naman lahat ng needs namin. Now my baby girl is turning 5months old and God knows sobrang thankful ako na naaalagaan ko siya pero sobrang sama ng dibdib ko kasi nakakaramdam ako ng inggit sa ibang friends and batch mates ko. Alam niyo yung nakikita niyo silang successful sa mga works nila at ako ito, ni hindi ko alam kung ano ba talagang gusto kong maging. Please don't judge me mahal na mahal ko yung anak ko, to the point na kaya kong i'give up lahat to be with her pero sobrang hirap pala. Every single day, I always asked myself if I am really worthless, na hanggang dito nalang ba ako? I really want to work but the fact na iiwan ko yung anak ko sa iba lalo na exclusively breastfeeding kami naiiyak na ko. Kaya mommies enlighten what to do. Kasi hindi ko na kaya yung insecurities ko :(

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I have the same thoughts when I resigned from my corporate job after a miscarriage. My husband and I decided to focus in raising a family and to keep me away from stress dahil sa job ko. I initially agreed pero mahirap pag nasa bahay ka lang tapos iniisip mo na sayang yung napag aralan mo if mastuck ka lang sa house. What I did to combat boredom is to look for an online job that is related to my work experience. Good thing, sobrang dami ng online platforms na nagooffer ng online jobs na pwede nating applyan. This way, I can stay at home while earning and being productive. And I am now earning way more that what I used to earn sa corporate job ko without me leaving our house. Hindi ako stressed out sa byahe and officemates, kaya siguro I am having a great and healthy pregnancy so far. I say to think of your current skillset and look for an online job that matches them. Once you are hired, you'll be fulfilled na hindi nasayang ang pinag aralan mo, plus you are earning money, while you can focus on raising your kids. Kasama mo sila 24 hours a day and I think it is priceless. :)

Magbasa pa
5y ago

Hi, I finished Psychology and I am currently an HR Manager for an Australian-based outsourcing company. :)

VIP Member

Ganyan talaga siguro kase mwdyo bata pa tayo. Ako rin naman almoat 10months palang nakakapag work, fresh grad din ako. There are times na naiingit ako sa friends ko kase yung mga plano namin before ngayon palang nila nagagawa 😅 pero kapag nararamdaman ko yung kicks ni baby sa tummy nawawala yung inggit ko. Napapalitan nalang ng excitement tsaka ng saya 💖 sobrang nalulungkot at nahihiya din ko sa parents ko kase hindi ako makapag bigay sa kanila kase nga nagresign na din ako when i was 3 months pregnant. Super OT kase sa work and ayaw ng LIP ko na ganun kaya pinag stop niya muna ako. I was planning din naman na magbalik sa work after giving birth, pero kung kelan ? Di ko pa rin sure. Gawin natin inspiration at motivation si baby sa buhay sama nadin natin ang daddy nila 💖 iba iba talaga ang success ng bawat tao. I have friends na successful sa work pero not that happy in life. Atleast tayo we live a simple life with our little angels 💖

Magbasa pa
VIP Member

Mamsh ok lang yan, iba iba naman ang definition ng success at achievement ng bawat tao sa mundong ibabaw. Tayo bilang babae, ang pagkakaroon ng anak ang pinaka achievement natin. Isipin mo nalang yung palaging tinatanong sa mga pageant, "what is the essence of being a woman", diba laging sagot e motherhood? Marami dyan succesful at madami na achieve pero hindi kumpleto yung kasiyahan nila kasi hindi magkaanak. Kaya isipin mo nalang na si baby ang success at achievement mo. Ngayon habang hindi ka pa nakakapag work, hanap ka pwede pagkakitaan online para ma'divert yung utak mo sa pag iisip ng mga negative. Para habang inaalagaan mo si baby mo meron ka pinagkakaabalahan para hindi ka mabore at nag iisip ng kung anu anong makakapag pa down sa sarili mo. Tiwala lang mamsh lalo ngayon may inspirasyon ka para lumaban sa life. :) God is with you always. Hindi ka bibigyan ni God ng circumstances in life kung alam niyang hindi mo kaya dalhin yun.

Magbasa pa
VIP Member

Hindi ka nagiisa mommy. Ganyan din ako dati. Yung nakapag tapos ka ng pag aaral pero parang walang nangyari. Pero ang tanging maipag mamalaki ko is nagabayan ko ang paglaki ng anak ko. Never syang nagkulang sa atensyon at pagmamahal. Masarap sa pakiramdam yung natuto syang magsalita at maglakad ng dahil sakin. Natutong magbilang at mag sulat dahil sa tiyaga ko. Hindi madaling maging stay at home mommy. Marami kang maririnig sa paligid mo, marami kang magiging insecurities sa sarili mo. Pero maiisip mo rin na mas mahalaga parin yung nagpaka nanay ka, kaysa naibibigay mo nga ang material things pero nagkulang ka naman sa pag aalaga sa anak. Natural lang yan. In God's perfect time, magkakaron ka rin ng trabaho. 😘

Magbasa pa

Hi mommy. My baby is 5 months old today too. And today, I also got a job offer for a home-based job. Matagal tagal ko pinagisipan kung magiging SAHM ba ako because kaya naman ng partner ko to shoulder all expenses. But deep inside I know I can do more. So yun. Nagagree kami na magwork na ako since may yaya na si baby and nandiyan mom ko or mom in law to help us in taking care of baby. Sobrang lungkot ko dati kasi pagod ng sobra tas parang walang fulfillment. Pero pag inisip mo, nagnnurture tayo ng person to become a good citizen of this society. Malaking bagay na yun eh. Pero if you wanna work, try mo home based hehe Or normal job but hanap ka lang perfect arrangement niyo sa bahay hehe

Magbasa pa

Same tayo ng naffeel. Altho hindi na ko bata hahaha pero 1st baby ko kasi at hindi talaga ako sanay na nasa bahay dahil since naka graduate ako, dirediretso akong nagwowork tapos biglang huminto kaya feeling ko biglang nagbago ikot ng mundo ko. Anyway, pag naffeel kong nalulungkot ako regarding jan, sinasabi ko sa husband ko lahat. Ayokong kimkimin kasi lalong masakit sa damdamin. All ears naman siya palagi, at sinasabi niya sakin na thankful siya kasi inaalagaan ko muna baby namin. At dadating din naman daw kami sa time na makakapagwork na ko ulit, hindi naman daw forever baby yung anak namin. Ayun, gumagaan naman pakiramdam ko :) open up mo yan para gumaan pakiramdam mo

Magbasa pa

Being a full time mother is the best job in this world, wag ka magself pity,ano kung successful sila sa buhay nila iba iba naman tayo ng tadhana sa buhay,maaaring yung iba successful sa career nila pero tumatanda silang walang anak o pamilya,which is hindi masaya yun,kanya kanya tayo ng kapalaran,nasa sayo na yan pano ka magrereact sa kapalaran mo, just look at the brighter side,maswerte ka nakakasama mo anak mo maaalagaan mo sya hanggang paglaki yung iba nga nagaabroad iniiwan anak nila di nila nasusubaybayan ang paglaki kaya be thankful nalang coz your a Mom,pwede ka naman magbusiness kahit sa bahay kalang ,basta ibaling mo atensyon mo sa mga positibong bagay

Magbasa pa

Naku momshie wag ka mag isip ng nega maliit pa nman baby mo hnd pa nman nagtatapos ang lahat sa ganyan,mdami pang pagkakataon mahaba pa ang oras at panahon,mdami pang pwedeng mag bago at mgagawa mo pa yung mga gusto mong gawin maipagpapatuloy mo pa yan pag laki ni baby mo,keep praying lang na always healthy c baby.. worth it ang pag give up mo sa kung anong gusto mong gawin ngaun sa buhay para lang sa little one mo. Wag ka maiinggit sa mga classmates mo kc pwede mo pa nman un gawin paglaki ni baby.atleast pag ready ka na ulit go na! may inspirasyon ka pa.

Magbasa pa

hindi naman maiiwasan ang ganyan maramdaman mo. ganyan din nararamdaman ko pag nakikita ko ung ibang kakilala ko nakakapagtravel, may work nakakapag hang out parang nakakainggit ganun. pero pag ganyan nakakramdam ako titignan ko lang baby ko magiging masaya na ulit ako mawawala na ung feeling na ganyan kasi naisip ko magagawa ko din naman mga un ulit once na malaki na si baby. at habang di ko pa magagawa un mag ienjoy muna ko sa anak ko kasi ang maging isang ina at makapagpalaki ng baby ang pinakamahirap gawin sa mundo at masaya pag naachieved mo.

Magbasa pa

ganyan din nararamdaman ko ngayon po 😓 worthless at bka iniisip ng family ni hubby na ngdedepende lg ako pero i am taking care of my 2month old baby. ngresign dn ako sa work due to my pregnancy. ayun niingit din sa mga friends ko na meron sweldo from work 😂 kung malake2 na baby ntn po we can look for work again or if gstong gsto nyu na tlga po you can look for someone who can take care of your baby for now. since bf po kayu you can always pump nmn for your baby

Magbasa pa