Hoping for a 2nd chance

I just want to share my problem gusto ko lang magkaron ng kadamay o ng payo sa pinag dadaanan ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung itutuloy ko pa ba ang pakikisama sa asawa ko alam kong meron siyang kabit at kasalanan ko kung bakit siya nag kaganun dahil din sa nagkaroon din ako ng affair sa iba noon at nalaman niya hindi ko siya masisisi kung bakit siya ganun ngayon dahil alam kong ako din ang dahilan, kagabi nag usap kami at sinabi niya na madami binago sa kanya yung babae na yun at nag pupursige siya dahil May gusto siyang marating yung babae niya ang nag push sa kanya nun sobrang sakit marinig yun galing sa kanya at iyak lang ang naisagot ko, sinabi din niya sken na bawiin ko siya dahil sobrang napamahal na siya dun sa babae, ano po ba pwede kong gawin para bumalik ulit yung pagmamahal na yun? im in 9months preggy at naghihintay nalang kung kelan lalabas si lo. Sana may makapansin ng post ko na ito.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi mo sya kelangan bawiin. Unang una kung mahal ka niya kahit may nagawa ka hindi nya maiisip gumanti sa nagawa mo. Kung mahal ka nyan kahit wala kang gawin babalik sayo yan, sainyo ng magiging baby niyo.

love is never a competition. You should never compete with anyone. Kung mahal ka talaga ng gagong yan, pinatawad ka na't kinalimutan ang kasalanan mo. Hindi yung porket may kasalanan ka eh mambababae na. tsk

Pag nag patawad ka hindi pag ganti ang solusyon mga ganyang tao sis pabayaan mo na lang kung saan sya masaya hayaan mo sya. Mas importante si baby lagi mo tandaan yun sis

kung sa tingin mong ikaw nalang lumalaban ate bitawan mo na,mahirap ksi lumaban ng mag isa kalang,kahit anong pilit mo hindi na din magagawan ng paraan,

Gusto mo ba siyang bawiin ulit? Mahalin mo lang siya. Hanggang sa makita niya ulit ang worth mo. Say sorry ulit. If nothings happen, you decide.

If kasal kayo try niyo ausin para sa baby nio pero kung hnd naman let go mo nalang sis kasi mahirap na ayusin ang nasirang relasyon

Hindi matatama ng pagkakamali ang isang mali.. accept and move on nalang.. mag focus ka sa baby mo kaya mo yan