I just want to share this to all of you. My mother in law and sister in law are here with us in Manila. Both of them naabutan ng lockdown. So, habang andito sila sa bahay yung sis in law ko nagluluto ng foods namin and ako as much as possible ayaw nila ako ipagawa ng gawaing bahay kahit gustong gusto ko na maglinis?. Yung mother in law ko dapat may ipapapunta siya dito para makasama namin ng husband ko bale katulong from province kasi uuwi na sila pag may available domestic flights na. And since uuwi na nga sila this Monday June 1 medyo aligaga na si MIL ko kasi maiiwan kami dito walang katulong at lumalaki tiyan ko, medyo malaki bahay namin at may 2 pa kaming aso. At si husband ko nag wowork from 4am to 1pm isa yun sa pinag aalala ng MIL ko wala ako makakasama pag nasa work si husband. And it just so happen na may kakilala MIL ko from province na yung pamangkin stranded dito sa QC na dapat pupunta ng Saudi Arabia para mag DH (domestic helper). At dahil sa situation natin ngayon naudlot pagpunta. Hesitant husband ko na kumuha ng katulong kasi nga di na natin alam sino carrier ng virus na to natatakot siya kasi buntis ako at kaya naman daw namin dalawa kahit siya gagawa ng lahat ng gawaing bahay (in fairness napaka tiyaga niya sa gawaing bahay lucky me!?)and kanina after mag usap ng MIL ko at husband ko tungkol dun sa kukunin na katulong sana nag open husband ko ng fb niya sa phone at ito yung pinaka una niyang nakita sa fb (nag join kasi siya ng group dito sa subdivision namin). It could be a sign na hindi kami kukuha ng katulong siguro. Kaya mag ingat po tayo lalo na may mga asymptomatic at GCQ na tayo sa Monday.
HermioneGranger