Missed miscarriage

I just want to share my experience here para maging aware din yung iba. Last January 17, nagpositive pt after my missed period (1 day palang), but no sign of pregnancy, walang hilo, walang pagsusuka though me konting pagbigat ng dibdib. Feb 7, I had my first appointment sa OB and based sa ultrasound I am 6 weeks pregnant and may heartbeat na nakita, scheduled second appointment is on march 9. ( no symptoms of pregnancy pa rin) Feb.22, saturday night I saw a little brown stain sa undies ko, as in konting konti lang, i thought normal lang sya so hindi ko pinansin, then feb.23, dumami yung brown discharge(parang bleeding na) parang magkakaron ng monthly period, pero not enough na matagusan ka, I texted the secretary of my Ob kahit alam kong wala silang clinic ng sunday. Wala akong pain na nararamdaman that time so sabi ko, visit nalang ako tom.pag open ng clinic. Feb.24, bleeding pa din ako but no pain or cramps, so bed rest muna ako ng morning kasi appointment ko is afternoon pa, medyo humina naman yung bleeding pero may pagkared na. Afternoon, check up sa OB, positive pa nararamdaman ko kasi no cramps no pain, i thought bibigyan lang ako ng pampakapit and bed rest pero pagkaultrasound sakin wala na heartbeat si baby and di sya nagprogress from last ultrasound, instead, lumiit pa sya. ???binigyan ako choice ng OB, since sarado pa, medication para lumabas si baby, ayaw ko, sabi ko baka may chance na bumalik yung heartbeat khit mliit pa sya, pingbigyan naman ako, pinababalik nalang kami next week para ulitin ultrasound, pero lumabas din sya ng kusa that night. ??? I can't get over pa din ngayon, alam ko I need to accept it and I know I'm coping pero everytime na magsearch ako what went wrong wala din malinaw na dahilan. Maiiyak ka nalang talaga. Sa mga nagbasa, I pray for your healthy pregnancy and monitor your body, any changes ireport agad sa OB please, mahirap na, hindi natin nakikita kung ano ngyayari sa loob. Sa mga tulad kong namiscarriage, I pray for acceptance and to have a next healthy pregnancy. Kapit lang tayo.

1 Replies

VIP Member

Di pa siguro time sis... Dont worry ibibigay din sa inyo yung blessing na pinapangarap mo have faith lang..

Oo nga sis, after sa OB dumiretso kami sa church, pinagpray ko kung di na talaga babalik heartbeat, ilabas nalang sana agad sa tummy ko ayun kinagabihan lumabas nga. Thank you sis!

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles