Traditional or Modern Mom

I want to know your thoughts about how your mother raised your household vs how you raised your own. Napansin ko lang pagkakaiba namin ng mom ko, let me enumerate 🤪 btw, I am 90s kid while she’s 70s. please feel free to add more. 1. She is the “sentimental value” type of a hoarder/collector 😅 ako naman sakit na sakit sa mata ko lahat ng display at kalat sa bahay. Gusto ko walang nakikitang display sa ibabaw ng counters/tables. Aesthetic, team kahoy at team white ako. 2. Hanggang nagagamit pa nya kahit sobrang luma hindi nya papalitan. Number 1 dyan ang mga unan at towel. Nilalaban nya naman pero kahit sobrang nipis at tigas na pagsasamahin lang para magamit ulit. Ako naman ang concern ko is hygiene, papalitan ko talaga ng bago. 3. Old pans/cookwares, magtitiis sya kahit panay sunog at dikit na sa pan yung niluluto nya. Our pots used to be the kaldero from an old rice cooker. Err ayoko! Hindi ako ginaganahan magluto pag ganyan. 4. Storage container is a used icecream container. Sakit sa mata sa ref tapos isa isa pa ichecheck 😫 5. Cooked foods are the usual pangat, adobo, sinigang, all the time. Gusto ko naman makatry ng ibang dishes for my kids. 6. Mas gusto nya nahihirapan kesa convenience. Mommy ko lang ba ganito? 😅 ayaw nya ng vacuum, air fryer, automatic washing machine, etc. 7. Walang pakialam kung masakit sa mata yung mga gamit. Hindi coordinated. In short hindi organized. At sumasakit naman ang ulo ko sa ganito. 8. Yung mga lumang gamit pilit na ginagamit pwede naman bumili ng kapalit. Naulit lang ata to 🤷🏻‍♀️ pero ganyan talaga kasi sila 😩 The list goes on… balikan ko to pag may naisip pa ko 😂

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi ka sentimental tulad ng mama mo. usually mga laki sa hirap ang mga sentimental na tao, yung tipong galing sya sa hirap tas nagkaroon ng gamit ng maganda magtatagal sakanya yung gamit na pinaghirapan nya kahit may mausong iba tulad nung una nya nabili yun at yun parin ang gagamitin nya. meron din na, pag may binigay sakanya sobrang ikikeep nya di baleng ibigay nya yung binili nya wag lang yung binigay sakanya. ako mismo maraming kalakuchi sa bahay. yung mga drawings ko nung bata pa ako mga post card ng fushigii yuugi ko andun pa sa binder. nakakamiss kasi minsan yung kahapon. ang sarap balikan. hehe yung mga ibang bata na laki sa yaman di nila alam yun eh. pag may uso bili agad kahit may ginagamit pa, sasabihin luma na e. ako nalang yung gumagamit ng ganito sa mga classmate ko chena chena charot charot. hayy mainam na umalis ka sa bahay ng mama mo. gawa ka ng sarili mo bahay bili ka ng sarili mong gamit. kaya mo naman yun kasi ultimo pang saing sa kaldero ng lumang rice cooker ayaw mo. hayy

Magbasa pa

mejo same sa mom mo haha gnyan di si mami kaya ung punda nila eto gamit ko pa nakabukod na ako mg bahay 🤣 nagamit naman ng washing si mami pero ang problema ung washing sira na sbe ko bbli na ko bago hanggat kaya irepair nirerepair nya hahaha mas napalake ang gastos pero mas bet nya kase sayang daw..ung ref namen nung high school pa ata ako sbe ko mg palit na ng inverter kse anlakas sa kuryente ng makalumang ref ayaw nya kse regalo un ni daddy sa knya nung nabubuhay pa. Somehow may pagkaka pareho din kme ni mami. Mas gusto ko ung traditional way nya kesa sa modern ngayon pero not all heheh ung iba lang heheh.. 90's kid din ako ay bsta 1989 ako.. i prefer hand wash kesa washing wala kmeng washing dito sa new house namen ni hubby hehe gusto ko din kse ung nhhrapan pero malinis naman heheh

Magbasa pa

Kung sa tingin mo na marami kang ayaw sa mama mo, bumukod ka nalang ng bahay kesa nakikitira pa sa bahay ng parents mo kung saan ka hinubog at pinalaki. Kesa makapagsabi ka ng masakit sa kanila dahil ayaw mo ng old style nila tapos nai-stress ka rin naman. Wag mo syang i-compare sayo kase malayo talaga. Ma stress ka lang kaka kumpara mo. Dyan masaya mama mo kaya support ka nalang. Wala naman sigurong masama sa ginagawa nya. Love ko nanay ko kung ano sya ngayon. Natutuwa akong nakikita mga luma naming gamit nung maliit pa ako at hanggang ngayon naiingatan pa din nya habang kinkwento nya mga experiences nya nung maliliit pa kami.

Magbasa pa

Your generation is a lot different from her generation. Magka iba ang kinalakihan nyong society. I was born at 70"s, during my younger ager, i dont like stuffs na same sa nabanggit mo. Like using used ice cream canister because meron naman new one na naka display lang sa cabinet. But now that i reached my age now, eventually i used to appreciate things like that. Maybe you should let your mother do what makes her happy. Maybe someday when the time you reaches the age of your mother too, who knows you will be the same like her, because generations today will definitely different in the future.

Magbasa pa

any generation type of mom, meron po tayong makukuhang lesson even just a grain of sand and dapat with respect din. meron silang rason, some nagtitipid at practical kasi di natin masisi kung lumaki sila sa hirap at pinaghihirapan at iniingatan lahat ng gamit at naappreciate ko yan sa ibang parents or moms. May mga bagay na as a mom dapat balance lang at continuous learning from others, kasi eto din ang pinapasa natin sa next generation. hindi sa lahat ng panahon iinsist natin ang gusto natin kahit di naman reasonable and indangering. hindi sa lahat ng oras marangya at masagana. god bless

Magbasa pa
VIP Member

I was also born early 90’s. Pero i think nadala ko parin yung ugali ng nanay ko pagdating sa bahay. Madalas kmi magkasundo dahil ksabay kong tumanda, ganun rin sya updated sya sa mga bagay bagay dahil natutunan nya ring mag cp, nakkta nya mga updates na tama masmaganda nga pag ganito, mas okay nga tong ganito. Kaya kung nag uupgrade kami sa bahay eh approved din nya dahil natuto rin samin si nanay :) kung ano natututunan namin kinikwento at pnapakita rin kc namin sknya. :)

Magbasa pa

Cause before there's no such thing as Social Media, aminin naten o hindi the team puti at kahoy is just recent trend lang, and the used tupperwares such as icecream canister they reused it cause its tipid. Yung mga pang organized ng things is just a recent trend, unlike before na wala naman talaga. 90's kid din ako. Minsan kasi mahirap baguhin yung nakasanayan nila before. And let's just respect their way of living nalang.

Magbasa pa

Before hindi uso ang washing machine, specially automatic washing machine, nasanay sila na handwash lang. Minsan pa nga need pa paarawan or ikula kung tawagin sa province. Kaya dont compare ang mga bagay na nakasanayan na ng parents mo before sa trend ngayon. Remember 20 years from now iba na din ang magiging trend at possible yang mga gusto mo now ay hindi gugustuhin ng future gen.

Magbasa pa

for me walang mali sa sa pag keep ng mga gamit as long as usable pa naman and alam natin linisin ng maayos..ako din kasi hanggat hindi sira di talaga ako bumibili ng bago..lalo na hindi naman sobra sobra ang income namin.enough lang para kahit pano makapag save ng konti..as long as malinis at organize ang mga gamit sa bahay kahit hindi bago lahat or hindi trend.okay ako dun.☺️

Magbasa pa
TapFluencer

what's considered modern today might just be traiditonal after 20 years. 😊. iba kasi tayo ng panahon na kinagisnan sa kanila. medyo may pagkatraditional ang mama ko. oo, minsan masakit sa mata, pero bahay nya kasi un kaya i cannot tell her to do this and that dahil lang sa iba ang preferences namin. hehe. kaya bumukod kami ng asawa ko nung kumasal kami. 😊.

Magbasa pa