First time mom

I want to check when po ako dapat mag pa-OB kasi ngayon lang ako nag test ng pregnancy test then positive. First time mom po🤗 Penge na din po ako ng tips. Grabe ang morning sickness at loss of appetite

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang consultation fee po dun sa OB ko, 600 lang. Pero iba iba po ang mga OB or clinics sumingil. Nung sakin po, wala po physical exam na ginawa pero pinag-PT niya ako ulit dun sa clinic para idouble check if positive talaga. More on interview sa una, pero importante yon kasi dun ibbase kung maselan o highrisk ka. If mukhang need mo na i-TVS, sasabihan ka naman nila e kasi depende talaga siya kung gaano ka na katagal na pregnant at kung ok na for TVS/ultrasound. Maganda may ready ka na din money for TVS just in case irecommend ng OB mo, sakin 1200 pero sa iba daw po nasa 600 lang. Ang pinili ko pong OB ay Sonologist din so may equipment na siya sadya sa clinic and siya na nagawa ng procedure at nageexplain. Unlike sa iba na sa ibang hospital or lab ka pa papapuntahin for TVS dala ang request nila tapos ibabalik mo pa sa OB mo para basahin at iexplain sayo. Do your research po sa area niyo kung may OB Sonologist na available at malapit. Less hassle talaga pag ganon. Para di din nakakapagod lalo buntis tayo. Sa meds naman, depende kung ano irereseta sayo, pero magrrange yon ng 600-3000 depende sa need niyo ni baby.

Magbasa pa
2y ago

You’re welcome momsh! Oo, hirap lumabas ng mag-isa at talagang delikado daw satin ang init ngayon. Stay healthy po sa inyo ng baby mo ✨

It’s best to visit your OB right away pag nagpositive ka na sa PT para ma-assess ng doctor at mabigyan ka agad ng prenatal meds na need niyo ni baby. Possible naman na di agad i-TVS pag too early pa, bale depende siya sa magiging assessment sayo tutal iinterviewhin ka naman ng OB kung kelan last period mo, ano mga nararamdaman mo and if may underlying conditions and medical history ang family mo na kinoconsider nila sa pagbibigay ng meds. Tip: i-note mo na sa phone mo lahat ng details na sa tingin mo magmamatter like “first day of your LMP”, if marerecall mo ang date ng contact niyo ni hubby kung kelan ka possible nagconceive, may mga nakain o nainom ka ba na sa tingin mo ay bawal nung di mo pa alam na preggy ka, and importante din ask mo family mo and ipa-ask mo na din sa hubby mo ang medical history ng relatives niyo na possible namamana para mabanggit niyo sa doctor on your first consultation. Pwede ka na din magpa-urinalysis kasi mura lang yon, less than 100 pesos lang para dala mo na on your first check up. Para diretso analysis na din ng OB, para masulit mo consultation fee 🤭

Magbasa pa

sa fee naman po? nasa 1k plus medication? ano po ba usually ang chinecheck aside sa consultation? para ma ready ko sarili ko😅 May physical exam po ba?