Last name and custody

Hi, i want to ask po. Hindi po kasi pumirma tatay ng baby ko sa birth certificate niya and now gusto ng tatay ng baby ko na gamitin last name niya and makuha custody ng baby namin. Pero ayaw kong ipagamit kasi binabantaan niya ko. May chance ba na makuha niya custody ng baby ko and mapalitan last name ng baby ko kahit na hindi ako pumayag? Thank you.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

There is one way na pwede nyang makuha ang custody ng bata. Sabihin na nating oo hindi sya naka pirma sa birth certificate ng bata. Pwede syang magpa DNA test. Okay, so oo hindi pa rin yan enough kahit mapatunayan nyang sya nga ang biological father. Pero kung makagawa sya ng paraan na mapatunayan sa korte na wala kang kwentang nanay, na nae-endanger ang buhay at welfare ng bata sa puder mo (nagsusugal ka, manginginom, nananakit, may mental illness na nagiging sanhi kung bakit napapabayaan mo ang bata, etc) then yes pwede nyang makuha ang custody ng bata. Ang titingnan kasi ng DSWD jan e kung san mapapabuti ung bata. Kahit pa sabihin mong hindi naman ako ganun, hindi ko naman ginagawa ung ganun, e kung gago yang ex mo na obviously gago naman talaga, e baka magawan nya ng paraan.

Magbasa pa