3× Nag Over Due sa EDD 41 Weeker Baby boy.♥️

I just wanna share my experience sa over due ko not once but multiple times hahaha. Lalo na para sa mga first time moms na kinakabahan dahil nasa 40-41 weeks na pero di pa nanganganak. So this is my story, NASA around 40 weeks Ako that time via LMP and Hindi Nako mapakali dahil Hindi pa nalabas si baby. No signs of labor padin Ako. Naka 4 times na ultrasound nadin Ako dahil pinag request Nako for BPS. Unang due ko sa first ultrasound is November 6, sa pangalawa CAS October 31, and sa pangatlo Naman 36 weeks nag pa pelvic Ako naging October 30. Lumipas na Yung dalawang due ko and malapit na Ang pinaka last which is November 6 kaya bumalik Ako sa hospital. Pinag request nila ko for BPS. Lumabas sa BPS na okay pa Yung panubigan ko. Na move Yung due ko Ng November 19. 4 days after Kong mag pa BPS November 8 Tuesday naka bili Pako Ng agahan sa labas balak ko sana mag walking Kaso 8 am Nako nagising so I decided na mag laba nalang. habang kumakain Ako Ng agahan nakasalang na Yung mga lalabhan ko sa washing biglang nakaramdam Ako Ng pag Hilab na para akong nireregla then mawawala sya for a minute or sec. tapos babalik. Habang patagal Ng patagal Ang Oras patindi din Ng patindi Yung sakit nya good thing natapos ko Yung labahin ko by 10:00 am nag pahinga Ako for 2 hours at Hindi padin nawala Ang paghilab pag dating Ng 12:00 noon nilabasan Ako Ng mucus plug, naligo agad ako and then pumunta sa OB ko inay-E Ako and 1cm palang kaya pinauwe pag dating Ng Gabi 10 pm Pala na Ng palala Ang paghilab to the point na yumuyuko Nako sa dining table Namin. Dinala Nako ulit sa ob ko. Inay-E Ako ulit and 4cm na Hindi Nako pinauwe. Buong magdamag akong walang tulog at kain dahil Wala akong GANA dahil sa labor ko Hindi din Ako umiinom Ng tubig dahil sobrang hapdi umihi to the point na umiiyak Ako. Pag dating Ng 4 am Inay-E Ako ulit at NASA 4-5 cm palang Ako sinalpakan Ako Ng primerose magdamag lang akong lakad, Tayo, upo dahil sa Hilab na nararamdaman ko. Pag dating Ng 8:00 am NASA 7-8 cm Nako pinalakad Pako at sinalpakan ulit Ng prime rose oil Sabi sakin before or after lunch manganak Nako. After lunch Pina punta Nako sa delivery room at Inay-E stock up Ako sa 7-8 cm tinurukan Nako Ng pampahilab para lumabas na si baby. At 1:38 pm baby out 3.4 kg 7.5 pounds and 52 cm baby boy good thing Hindi Naman sya nakadumi sa tiyan ko and pag kalabas nya tsaka sya naka poops. ubos nadin Ang panubigan ko puro dugo nalang Ang katawan ni baby pag labas at Wala nadin syang balot. Kaya to all First time moms out there wag Po Tayong kabahan kung NASA around 38-40 weeks na tayo at Hindi pa lumalabas si baby. Totoong si baby talaga Ang makapag decide kung kailan nya gustong lumabas. Wala ding tumulong sakin na makapag pa open Ng cervix ko kundi si baby lang talaga.♥️🤱🏻 #firsttimemom

2 Replies

41 weeks and 1 day din ako nanganak bb boy din

congrats mommy♥️

41 weeks 3 days nanganak n din😌

congrats satin momsh!♥️

Trending na Tanong