POST PARTUM? π€
Hello, I just wanna know your thoughts regarding on what I am feeling towards my LIP. Kapapanganak ko lang last March 2021 and my LO is turning 3 mos this June 2021. Nung wala pa kaming baby ni LIP, balak ko na siya hiwalayan. Way back May 2020, 2 weeks na kaming di nag uusap ni LIP kaso na delay ako sa menstruation nung June 2020 at ayun na nga, kaya kami nag usap ulit. Hindi ako irregular kaya kahit di pako nag-pPT noon, alam ko nang buntis ako. So technically, naging okay kami dahil magkakaron na kami ng baby. During my pregnancy, I experienced the worst. Minumura niya ako, sinasabihan akong tamad which I think is normal lang sa mga naglilihing buntis, kung ano anong mga masasakit na salitang sinasabi. He's like that kahit pa nung wala pa kaming baby kaya ko binalak na hiwalayan na siya for good. Knowing that I am pregnant, at ganun padin yung ugali niya kahit paulit ulit niyang sinasabi na magbabago na siya, unti unting nawawala yung hope ko na magbabago nga siya dahil magkakaibaby na kami at unti unti ko ding nararamdaman na nawawala na yung pagmamahal ko sa kanya. I endured his toxicity for 2 years nung wala pa kaming baby and up until now, 3years na kami with our baby. He was basagulero, he was alcoholic and he lives like he has no responsibilities. To make this long story short, now that our baby is out, hindi ko siya makitaan ng pagkasabik alagaan yung anak namin everytime na umuuwi siya galing sa trabaho. Sinasabi niya na magpapahinga muna siya dahil pagod siya, di muna siya pwede mag shower kasi mapapasma siya. Kaya ang nangyayare, wala akong kasalitan sa pag aalaga kay baby kahit na nanjan na siya kaya ang ending, lagi akong nalilipasan ng gutom. Solo kami sa bahay. Honestly, nahihirapan ako sa sitwasyon ko. May time na naawa ako sa sarili ko kasi deserve ko pa ba itong ganito? Everytime na nag aaway kami, kahit buhat ko si baby, minumura niya padin ako. Which I think is not really okay for me and for my baby. Nauumay nako sa pagsasama namin. Masyado na akong natotoxic'an. Halos araw araw kaming nag aaway dahil everytime na sinasabi kong palitan naman niya ako sa pag aalaga sa baby, sumbatan lang yung nangyayare. Hindi ko alam kung dahil sa post partum or sadyang nawawala na talaga yung pagmamahal ko sa kanya. Mas nagger pa siya sa akin. Mas reklamador pa siya sa akin. Cs ako sa baby ko, fresh pa yung tahi ko pero kumikilos nako sa bahay kasi hindi ko siya maasahan. Kapag sinasabi ko naman sa kanyang dun muna kami ng baby ko sa mama ko, magagalit nanaman siya dahil nilalayo ko daw sakanya ang baby namin. Hindi siya stable financially. Lagi ako nakasupport sakanya twing kinakapos siya. Siya yung may work at ako naka maternity leave pero ako pa yung sumusuporta sa kanya. Parang gusto ko nalang siyang hiwalayan dahil wala namang pinagkaiba sa pagiging single mom yung set up namin. #advicepls #pleasehelp