Need advise.

I am pregnant for 15 weeks this was my rainbow baby. Bago palang akong sa new work ko, 3mos and 11 days nung nagstart ako mag leaved due to my pregnancy. Yung dati kong work toxic work pati boss pero nakaya ko mag work kahit buntis ako sa panganay ko, di maiiwasan ang magleaved at marami akong mga toxic na salitang naririnig sa boss ko pag wala ako na kesyo siya daw hindi naman siya ganun nung nabuntis siya that's why pag kapanganak ko I decided to resigned kasi di ko na talaga kaya boss ko at to move on na din sa nangyari sa panganay ko. Torture everyday pumasok nun kasi lagi ko naalala na pumapasok ako nun na buntis. Sa ngayon ok mga boss at trabaho ko stress lang sa byahe. May kasalanan pa ko sa baby ko mga mamash since im still on my probitionary nung nalaman ko na preggy ulit ako di ko agad nasabi na buntis ako. Baby ko pa ata gumawa ng paraan para masabi ko na sa work na preggy ako nag spotting ako last june 12. Thank God ok naman si baby pero mababa ang placenta ko since na CS ako previously sa panganay ko may possibility na mag ka placenta previa ako. Sa ngayon almost 1month na ko naka bed rest nahihiya ako sa bagong company na pinapasukan ko. So ang question is nahihirapan po ako mag decide if mag reresign na po ako. Honestly mga mamsh may utang pa ko sa dati kong opisina which is ginamit nun nung nanganak ako sa panganay ko umabot ang bill namin ng 122k. Pero maliit na lang naman un ngayon. Then other than that nakikitira lang po kami ng partner ko sa parents ko. May plan na po talaga kami mag pakasal ang problem is di po namin expected na ganun kalaki ang magagastos namin sa panganganak ko last time kaya nag decide muna kami na mag tapos muna ng utang. Ang partner ko din panganay sakanilang mag kakapatid pero napakaswerte ko po sa manugang dahil kahit ganun hindi po siya nanghihingi sa anak niya pag kailangang kailangan lang dun lang po siya nagsasabi at syempre sa hiya na din po ng partner ko nagbibigay siya kusa. Si partner mo madami ding bayarin katulad po ng sinabi ko malaki laki po nagastos namin sa panganganak ko last time at unexpected po na nabuntis ako agad dahil may pcos po ako nag assume po ako na di po ako agad mabubuntis. Dahil ang panganay ko po 4yrs in the making. Sa totoo lang nahihiya na ko pumasok at gusto ko na lang sana na magpahinga sa bahay hanggang manganak di ko na po ata kaya pag nawala pa sakin si rainbow baby ko kaso ang partner ko po kahit di niya sabihin nahihirapan po siya. Unlike po kasi nung working ako sagot ko po bayad sa kuryente monthly pati bayad sa utang sa opisina nahuhulugan ko ngayon shoulder niya po lahat . Nahihirapan at na stress na po ako na alam ko pong masama sa baby ko. Nag apply na din po ako sa mga online jobs kaso wala pa din pong nangyari.?. Need advise po sa mga working ma'am na need mamimili between career and si baby, madali po siguro mamili pag walang liabilities pero sa katulad ko po na maraming bayarin parang ang hirap hirap po ?. Salamat napahaba po. PS: Mga kapatid ko working na lahat.panganay po ako ung sumunod sakin may mga anak na pero hiwalay sa asawa then pangatlo po namin working na din at bunso hati hati po kami sa mga gastos sa bahay so.nahihiya po ako kasi wala na po ako.nabibigay gawa ng di po ako sumsahod ngayon. Minsan ung partner ko late pa magbigay kasi wala na din siya halos sinsahod pinagaawayan na din namin minsan about sa mga gastusin at bayarin.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pag usapan niyo pong mag asawa kung ano ang nararapat gawin..

VIP Member

Na-learky ako Momshie sa Story mo.