I need your advice on my situation.. Nakikitira kami sa parents ng partner ko. Sadly, seaman sya so naiwan ako magisa dito.. Hindi option samin ang pagbubukod kasi di gaya ng iba, uwian partner nila. Ako, wla akong makakasama kundi kami lang ni baby. Masyadong delikado kung kaming dalawa lang sa isang bahay..
Nagkasakit baby ko, fever and cough. Kapag biglang change ng weather lagi sya nagkakaganito kagaya nitong Sunday, biglang uminit.
Sunday - makati na lalamunan ni baby.
Monday - nagsuka si baby dahil sa kati ng lalamunan at nagstart na ang ubo so dinala namin agad sa pedia kasi mabilis maging pneumonia ang simpleng ubo. As we all know, sobrang init ng Monday. Ang hirap labanan ng init ng katawan ni baby kasi ang init din ng buga ng hangin galing electricfan.
Tuesday - super init. Di na halos bumababa lagnat si baby sa simpleng punas ng bimpo at paracetamol so I decided to give him a quick bath. Warm water just to level his temp. After doing this naging comfortable si baby.
Then nalaman ng mother ni partner na pinaliguan ko si baby. Yun ang sinisisi nyang dahilan bakit nilalagnat pa rin ang baby ko hanggang ngayon. Bakit ko daw pinaliguan. Bininat ko daw. Mula kahapon until now, mga sampung beses mahigit na nya ko sinasabihan na wag paliguan at dahil sakin nabinat baby ko.
Help naman I need your advice.. Nananahimik lang ako pero ang sama ng loob ko.. I used my mother instincts at napupuna ako sa way ng pagaalaga ko sa baby ko.. Kung kayo nasa situation ko, ano gagawin nyo? At mali ba yung ginawa kong pagpapaligo?
麻紀