GIVING WATER TO BABY

I am a little bit confuse. Is giving water to baby is really prohibited po ba talaga? My baby is pure formula milk fed my parents and in laws keep telling me na painumin ng water si baby after dumede.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabi po nila below 6months dapat walang ibibigay kay baby gatas lang, formula or bf. eto po read niyo.. BAKIT BA BAWAL PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL 0-6M? Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na sa tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito. Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING. Ano ba ang Water Intoxication? Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponaytremia). Ang mga sintomas at epekto nito ay: - Pagsusuka - Pagiging iritable - Pagkahilo - Sobrang ihi (6-8 basang diapers) - Pamamawis - Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan. - Epileptic Seizures - Pagkamatay Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO. Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig. Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo. Ingatan po natin ang ating kalusugan lalo na ng ating supling. Salamat po at mabuhay kayo mga inays! #CopyPaste #Repost #BreastfeedingPinays #awareness

Magbasa pa

Kapag nagresearch ka, may mga articles na nagsasabi na nagccause ng intoxication sa baby kapag pinainom ng water more than what is needed. Nung tinanong namin yung pedia namin sabi nya hindi naman masama, kaya naman daw dinidiscourage na painumin ng water kase nabubusog ang bata, na dapat ay sa milk nya nakukuha yung nutrients and yung fullness. Pwedeng bigyan lalo if formula fed basta hindi sobra. Lalo ngayon na sobrang init. Sa case ko po, wala pang 1 oz yung naiinom ni baby (4 mos) lalo nung nagubuhin sya. Minsan sa dropper lang. Mix feeding po kami.

Magbasa pa
VIP Member

May nabasa ako before sabi daw pwede naman daw painumin kahit wala pang 6months kasi iihi din naman daw ng baby yon. Pero yung lo ko sinunod ko sabi ng pedia na gang maari no water gang 6months since 80% naman daw ng breastmilk is water.

Momshz kung formula naman iniinom ni baby, baka pwede mag water. Ang bawal is pag exclusive breastfeeding kasi complete na un e. Tubig, kanin, ulam. Pero pag formula, baka pwede naman. Pacheck ka po muna sa pedia for better advice.

Our pedia suggested to give water (1 oz) to baby pag gutom pa rin siya after feeding the recommended amount of milk. So long as clean water, that is, distilled/purified okay lang naman. And basta up to 1 oz lang.

VIP Member

Usually 6 months and up is when you give water to baby. Sabay when you give solid food already. They get enough water from the formula milk (or breastmilk). You can always ask your pedia for recommendation also.

6y ago

dont give your baby water after dumede maooverfeed ang baby mo and my pedia said thiers no need to give water to babies cause they get enouge water in your breastmilk or formula milk and wala nakukuha sustansya ang baby mo s tubig kaya mag stay sa tummy ni baby yun hinde niya agad ma iihi yun and madami pa pwd magyari if you give water sa baby below 6months

hindi po prohibited. it is NOT recommended lang. not unless sabihin po ng pedia nyo. ganyan din ang sinasabi sakin ng mga elderlies dito pero hndi ko sinusunod. pure bf lang tlga ako.

If formula fed pwede bigyan ng konting water. Nagstart ako dropper lang ginagamit kase sabi ng first pedia 6 months pa pwede ang water. Second pedia sabi okay lang basta wag madami.

Dpat po pag naka formula na hndi na paiinumin ng tubig kase may water na yung sa formula malulunod lang sa water si baby at bawal po talga water, 6mons and up pa pwede painumin

Hindi pwdi ang water sa baby sa loob ng 6months. May nabasa po ako na article regarding dyan. Ang water na nasa formula milk is enough na for the baby