Medyo mahaba kelangan ko mag vent out ng inis

I have 1month old baby premature sya 35weeks. sabi ng pedia nya max of 3oz lang in evry 2hrs. Ang problema ko kasi MIL ko, wala naman ako masabi kasi sobrang bait at maalaga. ang akin lang kasi kawawa baby ko pag anjan sya, konting iyak lng nya sasabihin dede daw kahit kakagatas lng. Sabi ko tingnan ang diaper pinipilit nya dede. tapos iiyak pa rin ung bata gusto ulit templahan ko. Sabi ko tingnan mo na diaper ayun nakapoop nga. Syempre dahil nilalaro nya nagising na diwa ng bata iyak na ng iyak. Gusto nya ulit templahan pag diko sinunod parinig sya na gutom pa daw si baby kunwari kakausapin ung bata sasabihin ayaw pa ni mommy templahan ka gaganun sya. lahat ng iyak ni baby kahit nahikab lang porket bumuka bibig sasabihin gutom. nung nkaraang gabi naka9oz kaya inis na inis ako di rin naman nya kaya ipaburp ang bata kukunin sknya ayaw ibigay. ayoko naman masabihan na bastos pag sinuway ko. hubby ko nga pag pinagsabihan mama nya sagot ng mama nya alam daw nya ginagawa nya bat daw tinuturuan eh mali nga ginagawa. sa 4oz nga pinagsabihan na kmi ng pedia nya paano pag nalaman na in just 3hrs naka9oz nung nakaraan. naawa daw sya pag naiyak ang bata pero sila din naman dhilan kasi imbes ihele para matulog eh nilalaro malamang iiyak tlga. antok tapos pipilitin mong laruin. patulog na kakausapin mo pa rin? sasabog na ako sa inis!! pag asa bahay kami mama ko never nagexceed sa 4oz. napapatulog agad kasi d nya kakausaoin para d mgising diwa ng bata. minsanan lang mkabigay ng 4oz. pero pag andito kami sa bhay nila hubby. pinakamababa na ang 5oz sakanila. kaya ayoko natutulog dito eh! tuturuan mo ng technique kasi ako lagi nakakasama ng bata pero prang wala sila nariring. nagiging bingi sya pag tuturuan mo.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nako ganyan din fil ko naman nagagalit sa akin bakit daw hindi pinadedede apo niya pag iyak gutom agad isip yun pala minsan may kabag lang sinasabi pa antakaw ng anak ko panay dede hindi nila alam may nararamdaman lang yung bata o kaya inaantok lang yung mil ko nman snsbi pag gsto pa ng anak ko tama na daw hindi daw gutom un pala gutom pa talaga tsk.

Magbasa pa
7y ago

minsan talaga ang hirap intindihin ano gusto nila. nakakainis