Medyo mahaba kelangan ko mag vent out ng inis

I have 1month old baby premature sya 35weeks. sabi ng pedia nya max of 3oz lang in evry 2hrs. Ang problema ko kasi MIL ko, wala naman ako masabi kasi sobrang bait at maalaga. ang akin lang kasi kawawa baby ko pag anjan sya, konting iyak lng nya sasabihin dede daw kahit kakagatas lng. Sabi ko tingnan ang diaper pinipilit nya dede. tapos iiyak pa rin ung bata gusto ulit templahan ko. Sabi ko tingnan mo na diaper ayun nakapoop nga. Syempre dahil nilalaro nya nagising na diwa ng bata iyak na ng iyak. Gusto nya ulit templahan pag diko sinunod parinig sya na gutom pa daw si baby kunwari kakausapin ung bata sasabihin ayaw pa ni mommy templahan ka gaganun sya. lahat ng iyak ni baby kahit nahikab lang porket bumuka bibig sasabihin gutom. nung nkaraang gabi naka9oz kaya inis na inis ako di rin naman nya kaya ipaburp ang bata kukunin sknya ayaw ibigay. ayoko naman masabihan na bastos pag sinuway ko. hubby ko nga pag pinagsabihan mama nya sagot ng mama nya alam daw nya ginagawa nya bat daw tinuturuan eh mali nga ginagawa. sa 4oz nga pinagsabihan na kmi ng pedia nya paano pag nalaman na in just 3hrs naka9oz nung nakaraan. naawa daw sya pag naiyak ang bata pero sila din naman dhilan kasi imbes ihele para matulog eh nilalaro malamang iiyak tlga. antok tapos pipilitin mong laruin. patulog na kakausapin mo pa rin? sasabog na ako sa inis!! pag asa bahay kami mama ko never nagexceed sa 4oz. napapatulog agad kasi d nya kakausaoin para d mgising diwa ng bata. minsanan lang mkabigay ng 4oz. pero pag andito kami sa bhay nila hubby. pinakamababa na ang 5oz sakanila. kaya ayoko natutulog dito eh! tuturuan mo ng technique kasi ako lagi nakakasama ng bata pero prang wala sila nariring. nagiging bingi sya pag tuturuan mo.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

1st apo ba si baby ni MIL? habaan mo lang ang pasensya mo mommy. at i-explain mo lang ng mahinahon kahit na inis ka na.. na doctors order is 3oz every 2hrs. or better yet ipakita mo yung prescription sa kanya..

7y ago

yun na nga eh kasi hindi. ang dami ya apo. mama ko ang first apo pero hindi sya gnyan. ilang beses na namin kinausap ng hubby ko pero di nakikinig. sinabi na nga namin na nung nalaman na 4oz nabigay namin nagalit na pedia nya kasi nga maliit pa tyan tapos mpepwersa yung bituka. Oo ng oo kala ko naman naintindihan na pero ganun pa rin ginagawa. Pag umiyak o kahit bumuka man lang bibig ng baby sasabihin gutom. sinuway ko nga nun pero ako pa pinagsabihan na pag daw iyak ang bata pagatasin agad.🤦‍♀ alam ko marami na syang apo pti anak pero mali nga ginagawa nya. hindi naman kasi ako tulad nya noon na breastfeed kaya anytime pwede padede ng padede sa bata. iba ang bigat sa tyan ng formula eh. hindi kasi nya ntry mag formula kaya gnyan hindi nya alam tama sa mali about formula feeding. hindi nga sya nkikinig sa anak nya eh ako pa kaya. dko na alam gagawin ko.