For Young Moms (Medyo Mahaba)

I got pregnant at 19, gave birth at 20. I'm guilty kasi alam kong di pa namin kayang suportahan agad agad sa lahat si baby kaya may tulong pa kami from our both side of parents. Sa checkups ilang beses ako tinanong ng edad at kahit wala silang sabihin makikita mo ang gulat factor sa mukha nila. Even when I turned 20, makakarinig kapa ng "bata pa niya" lalo na at baby face ako at maliit mukha lang daw akong 16. Para mapalakas ang loob ko iniisip ko nalang na I'm old enough, and I'm knowledgeable enough to have a baby. Well not really knowledgeable kasi FTM ako, pero ibig ko sabihin kahit papano mature na isip natin at kaya na natin maintindihan pano magpalaki ng baby. Kahit nga mas bata kaya na magpalaki ng baby eh kasi natural na skill un nanay tayo eh. Let me tell you, there are young girls na marunong na agad mag-alaga ng baby pwedeng babysitter sila or nag-alaga sila ng kapatid or pamangkin. At meron din namang adult women na nasa tamang edad na but still doesn't know how to take care of a baby, maybe because she was not surrounded by babies or di niya pa matry mag alaga, or whatever! Ang meaning ko lang duon is, kung iniisip ng mga tao na bata kapa nagbuntis pano mo aalagaan at bubuhayin anak mo? Sagutin mo ng, "kahit ano pa edad mo nasasayo yan! " Matanda ka man tapos dika marunong? GANUN DIN YUN! LAHAT NAMAN PWEDENG MATUTUNAN. Isa pang factor, sa mga "not so wealthy" family madalas makatanggap ng tukso kasi paano daw bubuhayin dahil bata pa at walang trabaho, Ganun din yun kung matanda kana pero wala ka padin trabaho! Hays, siyempre maaring may mga pagkakamali man tayo or irresponsibility kaya nabuntis ng maaga pero sana intindihin nalang tayo at tulungan, dahil ang mahala ang buhay ng baby. Sa mga katulad ko or younger or mga not so adult moms na nakakaranas ng pag aalala o kalungkutan dahil sa mga mapanghusgang paligid, BE STRONG lang po HINDI KA NAG IISA at MALALAMPASAN MO YAN!

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I think for those na nabuntis ng maaga and as you said na nakatira pa din sa magulang and walang financial capacity na bumukod agad, next step should be family planning. Na sana wag muna masundan agad hanggat walang stable na trabaho at hindi kayang bumukod. Sa mga kabataan na nagpamilya ng maaga, yun dapat ang goal e. Na dapat makabukod kayo dahil may sarili na kayong pamilya. Dahil pag nakabukod na kayo, mararanasan niyong dumiskarte on your own kung paano niyo palalakihin ang anak niyo. Tandaan: hindi na responsibilidad ng magulang na buhayin pati mga apo. Hindi rin nila responsibilidad na mag alaga ng apo. Let them enjoy naman their lives hindi puro pag aalaga na lang gagawin nila.

Magbasa pa
5y ago

Tama po but in my situation ayaw pa kami pabukudin ng in laws kasi gusto nila makasama at alagaan ang apo nila which is di ko naman pwedeng ipagkait. Nakaplano naman po yung pagbukod, naka family planning din ako, nagpa implant.

True. Ang pag-aanak, sadya man o hindi, ay isang malaking responsibilidad. Wala sa edad o dami ng anak ang kaalaman sa pagiging ina, more on INSTINCT ito. Every child is a blessing, every child is unique. Naniniwala din ako sa kapalaran, kapag nakalaan sayo hindi mo ito kailanman mapipigilang dumating sa buhay mo o kung hindi naman para sayo, hindi talaga ito mapapasayo. Wag mahihiyang magtanong o lumapit sa mga pwedeng gumabay, like doctors and loved ones mo, parents. Lalong lalo na kay LORD.

Magbasa pa