Thoughts
I gave up my career para maging full time stay at home mom. Minsan nakaka baba sa sarili na iisipin ko na wala man lang naitutulong sa mga gastusin. Pero mas lalo namang ayoko ipag katiwala sa ibang tao yung anak ko ee. Naalala ko nung nag wowork pa ako. Tumatawag ako sa bahay then naririnig ko yung anak ko umiiyak. Ang sakit para sa akin. Na hindi ako yung yumayakap sa kanya para patahanin siya. Kaya I decided to let go. Break muna sa trabaho. Mas mahalaga anak ko ee. Ngayon sobrang clingy ng baby ko sa akin 7 months na siya. Marami nag sasabi na sinanay ko daw na ako lang ng ako ang kasama. Na tuwing iiyak kinakarga ko agad. Hanggat maari kasi ayoko umiyak yung anak ko. Parang madudurog puso ko kapag umiiyak ee hindi oo kaya tiisin. Ang hirap maging nanay sa totoo lang. kahit anong gawin mo mali pa din. Dapat ganito, dapat ganyan at kung ano ano pa. pero ayoko sila isipin at pansinin. Kung paano ko hinuhubog yung anak ko ngayon alam ko malaking impact nun hanggang sa pag laki niya. Kudos to all momma! ??? Though the world around us is full of judges and critics, lets live the way we wanted. Our Child Our Rule!