βœ•

Pa-rant lang po mga mommies...

I just gave birth 6 weeks ago via ECS. Just a couple of days pagkapanganak ko, halos kumikilos nako, naglalakad-lakad na, akyat baba ng hagdan dahil di man lang madalhan ng pagkain sa kwarto minsan ako pa nagluluto kahit mahirap pang gumalaw, nakapaglaba ng mga damit ng baby kahit sobrang sakit pa ng tahi, puyat at pagod sa pagaalaga sa baby halos ikaw lahat nagaasikaso breast feeding pa diba edi mas triple pagod. Maka-ilang beses ng nabinat ayon sa sabi ng doktor pag may nararamdaman akong masama. Diagnosed pa ng combo ng post-partum Anemia and GERD pero tuloy-tuloy lang hanggang ngayon parang ganun pa din ang cycle. Parang sa lagay walang karapatang magreklamo. Ni thanks, ni appreciation man lang eh wala para sana man lang sa solo effort, dahil di alam ng mga lalake ang tindi at hirap ng pagod sa pagaalaga sa bata lalo't breastfeed pa. Tapos maliit na bagay lang na di pagkakaunawaan palalakihin pa ng partner mo, pagmmukhain ka pang kontrabida at masama sa nanay nya. Tapos di mo aakalaing sabihan ka nung partner mo sa inyo ng baby mo na "MAWALA NA KAYO WAG LANG NANAY KO!" kahit wala ka namang sinasabing masama sa kanya at sa nanay nya. Anong magiging reaction or iisipin nyo? Ako di nalang ako kumibo kasi nasa puder nila ako eh. Gusto ko mang umuwi samen di ko magawa dahil ayaw nya kame ihatid parehas, at ayaw nya din akong ipasundo sa kapatid ko. Sarap magwala kaso wala ka masabihan kase baka i-judge ka pa ng ibang tao at sabihan na ginusto-gusto ko yan edi panindigan mo. Baka nga tama sila, baka nga kagustuhan kong mastress at madepress. ???

2 Replies

VIP Member

How sad na mdami nkakaranas ng ganyan kung kailan ngasawa at ngka anak lalo nging d mabuti ang kalagayan ..Mommy qng aq sau uwi kna sa pamilya mo kc pamilya mo lang mkakaintindi sau at mkakatulong lalo na bagong panganak ka palang mnsan kc naiisip natin d rin tau mahal ng pamilya natin pero mali un dhil mas cla ang makakaintindi stin maniwala ka dun kc pamilya natin yan kahit anong mangyari at sa side ng knakasama mo tlgang kawawa ka dyan.. dq kc naranasan ang ganyan eh alaga nila q nun before buntis pq hanggang sa manganak kaya npaka swerte q 3 months aq ngpahnga walang galaw galaw aq pa nga npapagalitan kc matigas ulo q kc galaw na q ng galaw.. lahat ng problema may paraan po gawin mo po tabihan mo c baby magisip ka po ng mgandang solusyon wag po agad nyin haluan ng negative dapat lagi lang taung positive lahat po ng stress sa buhay at may kasagutan at lagi po mag prayπŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

Iwan mo sis, di niya deserve maging tatay ng anak mo. Kakagigil πŸ‘Š

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles