Adjustment

Ako lang ba yung pakiramdam eh ako lahat gumagawa sa bahay? Just gave birth last August 23. Pa-3 weeks post partum na ako and feel na feel ko na ang puyat at pagod. I have a 7 year old panganay and although hindi na sya alagain, syempre need pa rin nya ng attention. I've been pumping since day 3 kasi di talaga maglatch si baby. Kaya everyday nagrerevolve ang araw ko sa pagaalaga kay baby, pagpapump, pagisterilize ng bottles, pagaalaga sa panganay, paglalaba etc. Okay lang naman kasi naaalagaan kong mabuti mga anak ko. Sana lang mas may tulong sakin hubby ko. Like sana magkusa naman sya nagsterilize bottles. Or maglaba ng gamit ni baby. Naiintindihan ko naman na pagod din sya kasi hatid sundo sa panganay, tumutulong din naman sa pagaalaga kay baby pero ewan ko feeling ko ako parin lahat gumagawa. Haay. Gusto ko lang magvent out. Pasensya na mga mommies, napahaba. Alam ko lilipas din ito.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Maganda naman na makahinga ka momsh. Been there din, since sabi mu naman tumutulong si hubby then puede ka pa makalambing sa kanya to do more... minsan need mu lang magsabi na you need more help lalo na bagong panganak ka pa lang. Take one day at a time. Kapag pagod na, magpahinga ka. Involve mu ang panganay mu sa pag look after sa lo, as simple as paabot ng mga bagay bagay, malaking tulong na yun sayo❣️ syempre don’t forget to appreciate them din naman para ganahan na tumulong πŸ˜‰

Magbasa pa