FTM And Mixed Feeding
I feel worthless and insecure knowing na I can't exclusively breastfeeding my son.. 1 week pa lang siya and need niya talaga nutritious milk but I failed giving him that. Nasa ospital pa lang siya dahil I undergone epidural - normal delivery hindi ako pwede magkikilos and hindi siya naka dede agad sakin. And sadly, inverted nipple pa ako. I talked to counselors already and pro breastfeeding talaga sila and pinapatigil nila yung S-26. Alam ko naman na I can't rely to that pero sobrang stress ko na din and pressured to myself kasi I can't produced a lot of milk sobrang hina and nanghihina din ako agad agad. Pure determination na sana ako kagabi na pure breastmilk lang siya and direct latching pero nagaway lang kami ng husband ko dahil gutom na gutom na si baby whole day hanggang alas dose kanina ng hapon dahil nga di sapat yung dinedede niya. And pati siya di makatulog ng maayos maybe I only had 2 hrs of sleep. Pinavaccine ko pa siya ng DPv2 sa center so medyo weaken pa body niya. Bumalik nanaman ako sa s-26 dahil sobrang iyak niya and medyo low fever siya bigla. Iyak ako ng iyak at nagaway ulit kami ng husband ko kasi pinapadede niya na talaga ng s-26 para lang mabusog yung baby namin. Kasi ayaw niyang magutom talaga. Tapos ako gutom na gutom na din dahil di ako makakain dahil sa kakaiyak niya. Feeling ko ang sama kong ina.