im about to lose everything

i dont know if its normal pero dati naman tanggap ko na pagiging soon to be single parent ko (tinakbuhan kc ako ng nkabuntis saken) pero lately pakiramdam ko ako lang tlga ang mag isa ngayon sa mundo, masama ang loob ko dito sa bahay masakit kc ang mgs salita ni mama, 3 kme nagwowork ng mga ate ko, pero nd nman sa pagmamalaki khit ako pinakamaliit ang sahod ako ung pinakamalaki magbgay kila mama (w/c is 6k sa mga ate ko 3k lng) masakit lng kc nd nila na aappreciate ung gnagawa kong pagtatrabho khit buntis ako... hindi ko maramdaman na may pamilya ako, prang gusto ko na lng mamatay pero iniisip ko pa din kawawa ung baby ko.. minsan iniisip ko ipaampon na lng kesa naman idamay ko sa sobrang malas ko sa buhay... gusto ko na tlgng maglaho.. kalimutan lhat ng masasakit at habambuhay na lng ipikit ang aking mga mata.ang hirap hirap ng wla kang nsasabhan ng mga problema, nd kc ako ganun ka open khit sa kaibgan... sana merong way na hnd na madamay ang baby ko sa pag susuicide ko ??? sorry anak hindi ganun katapang si mommy ?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pray ka lang sis. Minsan sabi nila pag buntis ka mas emotional ka. Maging positibo ka at labanan mo un kalungkutan. Tingnan mo un bright side ng buhay mo. Napakadaming gustong magkaanak sa mundo pero may mga hindi biniyayaan. Kaya wag kang magiisip ng masama sa sarili mo at sa baby mo. Isipin mo nalang pag labas ni baby may kakampi kana sa mundo. SKL. Ako po namatay na lahat ng pamilya ko. Wala nako parents at mga kapatid. Nun nabuntis ako, mahirap para sakin kasi walang tumutulong sakin sa bahay. Ang partner ko naman ay busy at pagod sa work. Pero lagi ko iniisip maswerte pa din ako. Sa edad na 37, nabuntis ako at first baby ko eto. Ngaun kaka CS lang sakin nun July 04. Panibagong hirap na naman dahil ako lang magisa sa bahay. Paglabas ko sa ospital pinilit ko na kumilos dahil alam kong walang ibang gagawa para sakin. Ayaw ko naman umasa sa partner ko dahil pagod din xa sa work. Lagi lang maging positibo at lahat naman ng hirap kakayanin natin para sa baby natin. Kaya sana learn to appreciate things na meron ka na wala ang iba. Always remember, hindi ibbgay ni Lord sau ang sitwasyon kung hindi mo kaya. Pray and trust him. Always 💕

Magbasa pa

Wag ka sumuko mommy..kyang kya mo yan. Lht ng pngdadaanan mo ay pagsubok lng yan sau. D mgbbgy c papa God ng problema na d ntn kaya sulosyunan..laban lng ng laban tau s lht ng pagsubok s buhy po..blng araw maayos dn po lht ng problema..ituon mo lng buhy mo pra s mggng anak mo. Dsregard mo mga negative s buhy..lagi k magdsal promise kpg nkta mo n baby pag nka anak k..nku d mo n mppntyn mga npgdaanang hirap mo lht mbubura..napaka blessed ntn mga mommy n biniyayaan tau ng baby..Yan po gawin mo inspiration pra mas maganhn k lumaban sa buhy..laban lng mommy at lagi mag pray..aq nga sobra dn pnagdaanan q pro e2 pinatatag dn aq.un ongbubuntis ko now kht sobra hirap dhl buong buwan bed rest aq nkahiga banyo lng ang bangon ko. Sa awa ng dyos e2 malapt ndn 1 month nlng kabuwann ko n. Buong pgbuntis q iinum pangpakapit at mdalas tinatakbo s hospital dhil nag bleed. Tpos halos arw arw kabado pag mag poop dhl bka sumabay xa..pro e2 d po aq sumuko..wla ang mr.ko nsa abroad. 12 y.o n ank ko ksma ko. Kya wag kpo susuko keep praying po..laban mommy!

Magbasa pa

Hindi ka na nagiisa sa mundo.. may anghel ka na sa sinapupunan mo. :) Lalo na paglabas niya. Stay strong lang mommy. Ituon mo na lang atensyon mo sa baby mo. If ever man magsuicide ka and magsurvive ang baby mo. Pano naman siya? Siya maiiwan magisa. Do you think mamahalin sya ng mga nakapaligid sa kanya na gaya ng pagmamahal mo? Lalaki siyang walang ina. Naiimagine mo ba na paglaki niya baka maging palaboy siya? Isipin mo yung magiging future nya kapag wala ka sa tabi nya, at yun ang gawin mong motivation para ipagpatuloy ang buhay. At higit sa lahat, kay Lord ka kumapit. Di ka niya bibiguin. Di ba ang sarap maimagine in the future, ikikiss ka niya... ihahug ka niya... sasabihan ka ng i love you. Di ba ang sarap sa pakiramdam? Yung anjan ka sa lahat ng milestones niya. Kapit lang momsh. God will never abandon you. :)

Magbasa pa

dont give up cz..cguro nasasabi lang yan ng mama mo kc n disapoint sya sayo baka ng expct sya masyado tapos u fail her.hayaan mo na try mo i open khit p kunti2 kung anung sama ng luob mo,mahirap lalo n kung di k ganun k close pro kylangan nila mlaman saluobin mo.mgpaka fantasy muna tyo khit corny..wat if ngpkamatay ka?tpos mkikita mo sa burol mo yng mga taong ngmamahal sayo,maririnig mo sa kanila "kung ngsabi lang sana sya ng problema nya bka natulungan ko pa",wat if makikita mo mama mo umiiyak tpos hihingi sau ng tawad tpos misunderstanding lang lahat kasi m mga reason din sya kung bkit nya nasasabi do u think maibabalik mo pa buhay mo??? be positive cz hwag gumawa ng mga bagay2 n ika reregret mo sa huli..be open hwag k matakot i judge nila at d end of d day family mo parin sila..

Magbasa pa

Natry niyo na po ba iopen sakanila? I know mahirap pong magopen, lalo kung di ka naman sanay sa ganon. Pero momsh, try mong iopen sakanila, ivoiceout lahat ng yan, para gumaan at maintindihan ka nila. Baka kasi akala nila, super strong ka, pero di nila alam deep inside ubos na ubos kana. Wag mo niyo pong sayangin yung pagkakataong makasama mo yung anak mo. Napasarap sa feeling ng may anak momsh, sakanya ka kumuha ng lakas. Magpray ka po kay Lord, alam kong may rason lahat ng nangyayari satin, magtiwala ka lang. Lakasan at tapangan mo lang loob mo. Malalagpasan mo din yan. Wag mong sukuan ang buhay, pwedeng magpahinga saglit kung napapagod kana. But make sure babangon ka at lalaban. God bless you!

Magbasa pa

Kaya mo yan sis!galing na qo jan before at nakaya qo lahat..darating ung panahon na mkakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sau ng wagas.sa awa ng dyos nakahanap aqo at tinanggap nya at ng pamilya ang anak qo..pinakasalan nya pa qo..wag kang mawawalan ng pag asa.kailangan ka ng anak mo sya ang pagkunan mo ng lakas sa bawat hamon ng buhay mo.magdasal ka palagi sa dyos at humingi ng gabay.subukan mo rin makipag usap sa mga malalapit mong kaibigan pra mbawasan ang bgat sa dibdib mo.libangin mo ang sarili mo.wag kang paghihinaan ng loob.

Magbasa pa

maging strong ka po mommy lalo na para kay baby wag po kayo magiisip ng mga ganyang bagay. pag lumabas na po si baby mapapawi lahat ng lungkot na nararamdaman nyo po. hindi kana din naman po nagiisa meron kana din naman pong baby and dito po sa app na to pwede po kayo maglabas ng sama ng loob wag nyo nalang po isipin na may mga judgemental na tao padin po dito kahit ganoon. try nyo din po kausapin ang pamilya nyo para di naman po ganyan kabigat nararamdaman nyo and para di po kayo nahihirapan. lakasan mo lang po loob mo mommy :)

Magbasa pa

Mamshie wag ganyan. Never naging solusyon ang suicide. Hindi mo lang aalisan ng karapatan yung baby mo aalisan mo pa ng chance na magkaron ng isang mabuting nanay. Isipin mo nalang na lahat ng frustrations mo ngayon lilipas din yan. Once na manganak and makarecover ka na bumukod ka na of toxic yuny nagiging effect ng family mo sa'yo. Better yet confront them sa nafeefeel mo kasi baka ikaw lang yung nagiisip ng ganyan. Give your baby a chance. Give yourself a chance mamshie. Wag kang susuko. Never ka iiwan ni Lord.

Magbasa pa

Pakatatagka po lalo na po para kay baby dadating yung time na siya din yung magiging lakas mo at makakaramay mo pag super down ka na. Wag kana malungkot nalulungkot din si baby pag nasasad ka talk mo na lang siya pag may problema ka sa kanya mo lahat ikwento, lahat ng hinanakit at sama ng loob mo. Wag mong sarilihin ang problema sabihin mo sa mga magulang mo sure maiintindihan ka nila. Baka masama lang din ang loob nila kasi nabuntis ka mas ok na nalalaman niyo ang side ng bawat isa. Chin up gurl laban lang.

Magbasa pa

Focus ka kay lord sis at siempre humugit ka ng lakas kay baby . Kayo two lang magkakampi. Wag mawalan ng pagasa ayan na swerte mo si baby on the way na . 🤗🤗🤗 cheer up! May tampo lang siguro magulang mo sayo . Kasi gusto nila best para sayo. Okay kang yun tinakbuhan ka ng partner mo .. Di mo sya kawalan . Lakasan mo loob mo pag nakita mo na si baby ikaw na ang pinaka maswerte taobsa mundo . At binigyan ka ni lord na napakagandang blessing.

Magbasa pa