π
I am currently on my 21 weeks of pregnancy and may baby boy which is kaka 1 year old lang this July. Bago mag one yung baby ko nadapa sya which is hawak ko sya.. alam kong hawak ko sya but then dumulas yung kamay nya kaya nadapa.. so medyo may gasgas yung upper lips nya pero sobrang minimal.. after 2 days wala na .. Grabe iyak ko mag isa nun kasi feeling ko napakawala kong kwenta..lalo na nung umiiyak na yung baby ko..ngayon naman since sobrang nangangalay na ako dahil sa pagbubuntis hinahayaan ko yung kapatid ko na sya maglakad sa baby boy since hindi pa kami tiwala na magisa sya.. supervised ko lang sila since maselan pagbubuntis ko ngayon.. now hawak ng kapatid ko yung anak ko but then may electric fan biglang pinasok yung kamay late na nahabol. Nasugatan yung isang daliri nya as in nagdugo.. hindi naman natanggalan ng kuko pero ayun nga.. natakot ako tas inis na inis na naman ako sa sarili ko.Yung Mama ko napasigaw na dalawa na nga daw kami nagbabantay ano daw ba kami..Dumating yung asawa ko tapos nalaman yung nangyari .. syempre nainis sya.. tapos sinabihan nya ako na Ano ba naman daw ako.. bakit daw hindi ko binabantayan...ang sama lang ng loob ko sa sarili ko at sa asawa ko.. hindi ko naman gusto mangyari yun.. hands on naman ako at lahat sobrang overprotective ko nga sa anak ko pero sama lang ng loob ko na lahat sa akin nya isisi.. pakiramdam ko napaka wala kong kwenta na Nanay..