postpartum...
i broke down today... naiyak ako kasi di ko mapatahan si baby tapos pagod na pagod pa ko. ayaw niyang matulog kahit antok na antok na siya. tapos yung asawa ko nagpphone lang. tapos nung umiyak ako biglang nagtanong asawa ko kung okay lang ako. obviously not right? someone to talk to pls. sobrang nalulungkot ako

I feel you mommy, iniiyakan ko baby ko lalo nat di ko cya mapatahan, ayaw niya sa karga ko. Napaka hirap ikaw ang nanay pero anak mo ayaw naman tumahan sayo. tapos dagdagan pa ng nakuha mong yaya sasabihan kapa na "ano ba yan ikaw ang nanay di mo magawa mapatahan anak mo" sobrang hirap kaya ginawa ko nagmaka awa ako sa byenan ko lumawas na dito sa maynila kasi di ko na kaya ang stress pakiramdam ko mababaliw na ako pag nag tagal pa yung yaya ko kasi instead na turuan ka niya lalo na niya dina down. Ngayon okey na ako kasama byenan ko, pero sa baby di pa din talaga maiiwasan na pag ako ang may karga sa kanya ayaw niya pa din tumahan, iyak ng iyak cya. last january lng sobrang nagwala anak ko tapos byenan ko naglaba, ginawa ko na lahat ayaw pa din tumahan ang anak ko, sobrang iyak ko tapos nasabi ko sa asawa ko nasa abroad ipapadala ko na lang ang bata sa province total di naman natahan to sa akin. pag byenan ko may karga ang bilis tumahan. sabi ng asawa ko ako yung may isip dapat ako ang magpasensya kasi bata nga. looking forward ngayong mag 3months na cya sanay mas ma recognize na ng baby ko yung pag karga ko sa kanya para di na kami mag aaway pa.
Magbasa pa

