I AM BLESSED!
Yan yung lagi kong dinedeklara sa araw araw ng buhay ko
3 months ago,nakunan ako sa 1st baby sana namin.
Napabayaan ng husband ko pati business namin. Dahil na din sa nangyari at pagaasikaso sakin after ko makunan.
Madaming tanong,madaming araw na depress ako at malungkot ang bahay.Pero di nawawala yung faith naming magasawa sa Panginoon.
Then last month,i was diagnosed with PCOS.Nasa early stage palang.So we have to delay our pregnancy till next year.Kailangan ko muna gamutin for 6mos.
Ang daming nangyari sa kalahati ng taon ko.
Madami kaming pinagdaanan.Pero pag tinitingnan ko lahat,masasabi kong NAPAKABUTI PA RIN NG DIYOS.
Yes,i have disappointments in life but still THANKFUL.Kasi alam ko MAY PURPOSE ANG LAHAT.
May asawa ako na maalaga at mapagamahal.We're not perfect,but we have God na nagbabago samin araw araw.He's only child,pero kami ang nagpatayo ng bahay namin at ngayon patuloy na tumatayo sa sariling paa at umaasa sa Diyos.
May mga magulang kami na may mga trabaho at hindi umaasa sa amin.Malalakas at masigla.
May mga trabaho kami at kumikita kahit di man sobra eh di naman kami pinagkukulang
I just want to share good vibes.Na madami mang di magandang nangyayari sa buhay natin,marami pa ring rason para magpasalamat.
Wag hanapin ang meron sa iba na wala sayo.Ang Diyos ang kikilos.Alam Nya kung ano ang mabuti para satin
Godbless satin mga mommy