Sorry po.

Humihingi po ako ng kapatawaran dun sa post ko. Sa totoo lang po wala po sa isip ko yung ipalaglag yung bata. Yung nalaman ko po na buntis na po gf ko isa ako sa pinakamasayang lalake sa mundo. Handa po ako maging isang ama para sa baby namin. Nasabi ko lang po yun kase di po handa yung gf ko para dito. Halos awayin ko sya sa balak nya. Opo alam ko pong mali yung balak nya. Pero ang hirap din po kase ng sitwasyon ko bilang lalaki. Never po pumasok sa isip ko na pumayag sa gusto nya. Ou nagtanong ako ng pampalaglag para lang pakita ko sa gf ko mga comments nyo para po matauhan sya yun po yung balak ko. Sorry po ulit sa inyo. Uulitin ko wala po ako sa isip ko na ipalaglag yung bata. Sana po maintindihan nyo po kami.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sana nman natauhan na gf mo. Sya yung nanay sainyong dalawa kaya sya dapat ang makaintindi sa sitwasyin ng baby nyo. Sabihin na nating hindi handa pero nandyan na yan. Consequence yan ng ginawa nyo. Kung may marinig man kayong di maganda, normal lang yun. Huhupa rin lahat. Pero wag na wag ngo idadamay yung bata.

Magbasa pa
6y ago

If she can't tell it to her parents ikaw magsabi. Or samahan mo magsabi. Kayo dalawa bumuo, kayo dalawa managot. It's also one way of showing ur gf that ur sincere na pananagutan mo sila. Wag idamay ang walang kamuwang muwang na angel.

Related Articles