Kailan ka huling umiyak?
Kailan ka huling umiyak?
Voice your Opinion
Kanina lang
This Week
Last Month
A long, long time ago

7315 responses

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hahaha. Iniyakan ko yung parcel na di naman pala sa asawa ko. May tumawag kasing shopee rider sa number ko hinahanap asawa ko mag dedeliver daw then sabi ko sa shopee hub nalang iwanan kasi walang sinabi si hubby sa akin na may order sya, sa shopee warehouse kasi nag wowork si hubby. Umiyak ako kasi 1st time nyang di sabihin na may order sya sa shopee akala ko kasi may tinatago sya and curious ako sa kung ano ba yung parcel and alam ko din na wala syang pambayad kasi ako humahawak ng pera, buong sahod nya binibigay sa akin with payslip pa, kaya nag tataka ako kung san sya kukuha ng pambayad nya. Tapos nag chat ate ni hubby sa kanya, (alam ko password nya and nakaopen messenger nya sa cp ko) Bakit daw kay hubby nakaaddress yung parcel nya. Kaya daw pala hintay sya ng hintay walang dumarating yun chineck nya address kay hubby pala. Nakigamit kasi last time si hubby ng shopee account nila tapos address namin ang nailagay na default address. Buti nalang mabait si rider at nasolve agad ang problema, wala din kasi ibabayad si hubby dun sa parcel kung nagkataon πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Lol napakwento tuloy. Umiyak iyak pa ako kasi masama loob ko dahil akala ko may tinatago sya. Pagkakamali lang pala.

Magbasa pa