Bet niyo bang mag-enjoy mag-shopping sa H&M mga mommies?
Manalo ng P3,000 worth gift card sa H&M when you join the giveaway link below! https://community.theasianparent.com/contest/mommy-glow-up/2314?lng=ph


Napaka importante para sa ina na magbigay ng oras sa sarili sabi nga You cannot pour from an empty cup. Kung ikaw ay burn out na maiipasa mo din sa mga kasama sa tahanan ang nararamdaman mo mas magiging bad ka sa paningin nila matataasan mo sila ng boses dahil sa pagod at stress, ang ibang mommy nagiguilty dahil sa me time nila pero diba mas nakaka guilty na masasaktan mo ang mga mahal mo dahil burnout kana sa mga nang yayari at problema it is okay to relax and chill paminsan minsan, basta wag lang sosobra dahil lahat ng sobra ay masama, nag karoon ako ng depression dahil daw I am trying to be a perfect mommy and wife hanggang naubos ako dahil ibinigay ko sa kanila lahat at walang natira sakin dahil gusto ko palagi sila ang masaya eventually dahil sa pag ooverthink ng future ng mga bata gusto ko organize ko lahat ako na pala ang hindi organize ako na pala ang hindi masaya nasisigawan ko na sila at parang may nabulong sayo na pakamatay ka nalang para tapos na isipin mo, but tinulungan ko sarili ko hindi pala tamang magpakaubos ka to be a perfect mom dahil walang perfect! I have talked to a therapist and nag dasal ako isinuko lahat sa Diyos. I realized bakit ko poproblemahin ang future hindi ako Diyos so sa kanya ko na pinaubaya nag ayos ako ng sarili, nagpapaayos at massage nag a-out of town kapag may budget pa. Kahit simpleng pag kakape habang tulala, dati kasi hindi ko sila maiwan sa lola nila tapos ako nag rerelax.
Magbasa pa