Okay lang ba sa'yo kung si mister sa bahay at ikaw ang magtatrabaho?

Voice your Opinion
OKAY lang for me
NO, hindi okay

1109 responses

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yan ang narinig ko sa lola ko before bago ikasal ang tita ko. sumama ka kung saan ka ititira ng asawa mo, mamuhay kayo at pagtiisan mo ang sahod ng asawa mo, sa bahay ka lang alagaan mo magiging anak niyo para magsumikap siya. kung ikaw ang gagawa niyan para sa inyo at magttrabaho, binibigyan mo ng karapatan maging tamad at walang pangarap sa inyo ang asawa mo. and guess what, may magandang buhay ang tita ko, nagsumikap ang tito ko para sa pamilya nila, magandang trabaho, bahay at ssakyan naibigay niya sa mag anak niya at nakapag tapos mga anak niya at may maganda ng mga trabaho.

Magbasa pa

Pag nakapanganak na ko ay magwowork ulit ako para makabayad kami sa aming nahiraman ng pera. Kapag ok na settle na lahat ako nalang magwowork since I'm 15 yrs younger than my husband. malapit na kc sya magsenior Di lang halata(sanaol babyface 😍). Napapagod na daw sya. Sya nlaang daw mag-aalaga sa 3 bata. Para saken ok yun para ramdam nya din kung ano feeling ng housewife.

Magbasa pa

In our case hindi okay kc mas disciplinarian ako, si Mister hindi niya masaway anak nmin. Bka maging spoiled siya lagi ang kasama. Pero kung may pangyayari na no choice kaming ako ang mg work at need niyang mg stay nlang sa bahay eh wla na kming magagawa dun. Hehe

When I got pregnant, I've actually talked to my partner about it and he agreed naman knowing that he loves babies (more than I do, I guess.)

Yes, work from home kasi nature ng job nya. 😁 At ako may travel sa nature ng work ko. Tiwala naman din ako sakanya pagdating sa bahay.

VIP Member

Okay lang naman. Ganyan set up namen ngayon although wfh naman ako. Pero madalas sya talaga bahala sa pagluluto and kay baby

yes ok lang. actually ganyan ang set up namin mag asawa mag 2 years na since wala kme makuhang mag aalaga ky baby.

Sa akin ok lang po, sa kanya ok daw po basta may alak pangtanggal ng pagod after ng work nya sa bahay.πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

mahirap kung ako lang ang may income. he's a freelancer naman so ok na kami ang nagwowork

sa ngayon po ganyan set-up namin dahil wala maga-alaga pa kay baby