huhu 38 weeks /3days still 1CM padin puro paninigas lang duadate kuna sa april 25 hope makaraos na.

hope team april safe delivery

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

38 weeks and 4 days din ako mommy nung 1cm pa lang ako galing sa OB ko. After 4 days, di ko alam na nagle-labor na pala ako kasi uminom ako ng gatas day before and naisip ko dahil lactose intolerant ako. Simula 2 am tiniis ko siya then 2 pm lang ako pumunta ng ospital kasi di ko na kaya. Pagdating ko 5 cm na pala ako and 80% effaced. After 5 hours naipanganak ko na LO ko. Check check mo sarili mo mommy kung nagkakabraxton hicks ka dahil dun ako nagsimula at nagkaroon ng onti onting mucus plug. Tapos lakad lakad ka rin mommy pero wag sobrang magpagod. Then exercise ka, squat lang or cat and cow. May nireseta din kasi sakin OB ko nung 37 weeks pa lang ako na pampasoften mg cervix dahil nung 37 weeks ako, saradong sarado pa cervix ko. Sabi naman ng mga nagtake effective daw siya pampasoften ng cervix. Di ako nagtake nun mommy dahil kinakabahan talaga ako at baka manganak agad ako HAHAHA. Pero sabi naman ng mga nagtake ay effective naman siya. Yun lang mommy nakakatulong din kasi paggalaw para makapanganak ka agad

Magbasa pa

same due date hir. running 39weeks na bukas. 3cm Padin.. Yung na fefeel ko lang is paninigas ng tyan at ihi Ng ihi ako. sumasakit minsan ung puson at balakang ko. nagkaka spotting nadin. nirresitahan nako ng evening primrose ni OB.. nag exercises, hiking and squatting nako sana makaraos na tayo Team April 🫄 God bless po

Magbasa pa

same po sa akin 38weeks and 3days nanghilab lang tyan ko at panay TIGAS . edd ko april29 . masakit sya paminsan nawala rin Naman hahahay gusto kona makaraos😔 Hindi padin ako I na I.E nila

Same. 38w2d today. Last week checkup close cervix pa. Sakit na ng binti ko kakalakad at exercise. Hoping na open cervix na next checkup this wednesday. 🙏🏼

squat/exercise ka po lagi, then kain ng fresh pinya pero wag masyado gnon ksi ginawa ko nung 1cm ako after ilang araw mag 3 na

Mag squat ka mii, laking tulong to sa pagprogress ng CM mo. Eat pineapple at magtake ng evening primrose oil.

same here mii..minsan sumasakit tiyan at pempem pero may lumalabas na yellowish malapit lapit na rin siguro

Same due date ganyan din feeling ko panay paninigad lng ng tyan 1cm parin hope na makaraos na rin🥺🙏

akin. due date ko sa April 21. puro pag tigas lang at 1cm palang ako kagabe 🤧

same tayo. april 23 edd ko pero wala ako nararamdaman na sobrang sumasakit