Nakabukod ka na ba sa parents mo?
1719 responses

Kahit gustohin ko bumukod ayaw yata ni mister, puro na lang walang pera 🙄 ang hirap kasama ng nanay niya at mga pamangkin niya. Super stressed ako araw araw na lang. Hanggang kelan kaya ako aasa na makakapagbukod din kami. Magiging dalawa na ang anak namin.
nkabukod na rn kmi ng hubby ko ngaun,,my work kc sya maayos,,saka malayo parents nya nasa El nido palawan,,now nasa manila kmi ngaun,,sarap sa pakiramdam yun kau dalawa lng ng hubby sa isang bubong,,wlang pupuna sagagwin mo ,,😊😊😊
nabukod na kmi simula umipa.. maganda Ang nka bukod kce duon ka matuto mag budjet...Araw araw alam mo... mabili mo lhat Ng gusto mo wlng pupunta ka khit saan mo gusto... bukod sa lahat.. duon mo malalaman Ang tibay Ng isang pamilya..
nakatira kami sa bahay ng partner ko. nagiisa lang syang anak, sa 2yrs namin never naman kami hindi nagkasundo ng mommy nya. swerte nalang din na mabait magulang nya at supportive. excited na sila sa parating na apo 😇
bumukod na kami kasi ung nanay ng Asawa ko sobrang sama ng ugali at kung anu2x sinabi sakin na masasakit,sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako babalik dun ..at hnd ko din ipapakita sa kanya ang anak ko
Bukod na, bago pa kame nag sama may bahay nang pinagawa si hubby. Kaya nung umuwi ako from. Uae nagsama na kame.. Hayaaahayy ang buhay kase kame lang dalawa kahit di ako kumilos agad walang ppuna sayo
sobrang grateful kasi nakabukod na kami, ang hirap kasi talaga kapag nakikitira, doon nagsimula yung depression at anxiety ko dahil sa pakikitira namin sa in laws, sobrang hirap pala talaga.
Yes. Even if this didn't happen right away, we're so thankful for the 10 years we've spent living in my parents' home. Now, we're living in the same village, but different homes.
hindi pa kami nakabukod, asawa ko ang huling nag asawa sa magkakapatid, pero pangarap naming dalawa na makapag bukod dahil gusto namin maranasan at masabing sa amin talaga.
kme bago kme mag sama nag pagawa n talaga kme ng sarili bahay nmin ayaw ko kc ng sama sama d maiiwasan may nasasabe pero mga parents ko punta nmn ng punta s bahay




