Nakabukod ka na ba sa parents mo?

Voice your Opinion
YES, nakabukod na
NO, kasama pa rin sila/in-laws ko

1697 responses

73 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Opo, nakabukod na kami pero Yung husband ko sa mama parin Niya Naka depende sa mga desisyon. and Ako never sya nagtanong. Kahit naakabukod kami sa mama parin sya nagpapabili Ng mga damit nya. kasi wala akong Pera, sya Rin humahawak Ng budget kasi sya may Pera. Ewan ko kung family parin tawag samin. importante na lang para sakin Yung supporta Nia sa anak namin at sa pinagbubuntis ko Ngayon. Btw, ayaw Pala sakin Ng mama nia, di ko alam pero Nung buntis pa lang Ako sa unang anak namin okay Naman kmi.. pero simula Ng umuwi na si lip Dito sa pinas. nag iba bigla. pinapansin Naman Nia Ako pero Yung anak lang talaga Nia kinakausap Nia. :) ayaw ko ma stress kasi buntis Ako Kaya lumayo kami Ng Bahay dun sa in laws namin.. Dito kami nagpatayo sa lupa Ng tatay ko para makatipid na din sa Renta at magkaroon Ng peace of mind. pero Akala ko peace of mind haaha di parin Pala.

Magbasa pa

yes may sarili ja akung bahay,single mom kasi ako nong ngwork abroad ako, naalala ko nga dsti dahil maaga akung naging nanay, super struggle life ko kasi maski sarili kung ama pinapalayas kame dahil wala daw ako maitulong sa kanila palamunen,lage kame palipat lipat ng bahay ng anak ko, tiniis ko naman lahat, hanggang nagwork abroad ako at nakapagpatayo ng sarili kung bahay, kahit ganun naman pinaranasan ng tatay ko non napatawag ko naman na sya, kung di dahil sa mga kanya hindi ako naging matatag ng ganito. kaso lang nasobrahan ata ako sa pagiging independent 😅 kasi maski ngayon nakipagrelasyon nga ako mabait nya pero wala naman diskarte sa buhay may pangarap nya di naman kame kasali ng mga bata sa pangarap nya😅😅😅 kaya single mom nlng forever 😁😁

Magbasa pa

No. Kahit gusto ko na nakabukod kami, si hubby ang may gusto na kasama parents nya. 1 yr na kaming kasal by the way and still praying to have a baby. Mababait ang inlaws ko, but meron pa rin syempreng pagkakataon na naiinis ako. Di ko magawa ung mga bagay na gusto ko gawin, pag nag aaway kami mag asawa di ko magawang magalit tlga kasi ayokong marinig nila.. ang awkward maglambingan kami ni hubby kasi anjan sila, meron pang pagkakataon na naghugas lng ako saglit ng pinagkainan ko, tinanong ako ng MIL ko kung ano daw ginagawa ko? parang, hindi ba ako pwedeng maghugas ng plato? pati yun sisitahin nya? haist.. 😌 Yung anxiety level ko.. mataas na feeling ko, kasi di ko magawa magreklamo sa asawa ko 🥺I tried nman pero di lahat nasasabi ko sa asawa ko.

Magbasa pa

Hanggang ngayon di pa Rin kami nakabukod 😥 Dalawa na anak ko , panganay ko 5yr s.old then etong bunso ko 3months old , dalawang boys . Hoping pa Rin ako na ddting Ang araw na makapagbukod na kami , masipag Naman KAMING dalwa ng asawa ko pero di kakasya Ang kinikita naming dalwa dahil kaming dalwa Ang gagastos sa bahay , kasma ko din 2hipag ko , Ang hirap ng walng natapos , Hindi makahanap ng malakihan Ang sahuran , biruin mo nagtitiis kami sa 5k per month na sahod para khit papaano may income 😥 tapos sobrang taas ng mga bilihin ngayon , GRABE 🔥 pero di pa Rin kmi pinapabayaan ng Diyos , laking pasasalamat ko yun 💓 Hindi ko minamadali Plano nya sa Buhay Namin alam ko darating Ang Araw magkakaroon na kami ng sasabihin naming AMIN ❤️❤️

Magbasa pa

Opo nakabukod na nga po aq sa magulang q pero sa biyenan q and2 po aq.. Mejo ok naman ang pakikizama kaya lang xempre nahihirapan ng onti dahil minzan aq lagi ang inuutuzan pero anjan naman ung kanyang anak na bunzo walang trabaho, walang ginagawa sa loob ng bahay pero aq parin ang inuutuzan.. Tapoz pg hnd aq kumilos ay parang ngpaparinig pa ng kng anu2x kesho hnd q daw pinakain ang kanyang mga aso.. Mahal na mahal ang aso, pusa pero ung mga naiwan sa bahay minzan hnd matanong kng kumain ba kami o hnd.. Laging tanong pinakain nio ba ang aso at pusa.. Nakakaloka talaga.. Pati pgsasaing aq parin ang tanong nia kng nakapgluto na aq.. Panu q pa magagawa un kng my 1month old na baby aq.. Ang hirap speliingin ba.. Haiszt

Magbasa pa

Parang nakabukod narin..kasi hiwalay ang parents ng asawa ko.buti nalang ung byenan kong babae,sa cavite na nakatira..at ang byenan kong lalake kasama namin.parang kami lang din ng asawa ko ang nakatira,kasi dito sa tinitirhan namin,bali ibinigay na ng byenan kong lalake ang bahay nato..isang compound sila dito side ng byenan kong lalake,tapos etong byenan kong lalake lagi nagtitigil kila lola,sa nanay nya..dun madalas natutulog at nakain.kaya parang kami lang din ng asawa ko ang tao..mabait din naman byenan kong lalake.di kami pinapakialamanan..di katulad ng byenan kong babae.bantay na bantay ang kilos ko..buti nalang malayo sya smen.hahah

Magbasa pa

Kakabukod lang namin. this is my dream even before pa ako mabuntis. To have my own personal space. kakalipat lang din namin today. super fullfilling sa pakiramdam na kinaya namin na gawin to even though medyo magastos and medyo nakaka homesick. Ilang buwan din namin to pinaghandaan. I really wanted to have our own space where we can be the parent's na gusto namin para kay baby. mahirap kasi yung nag cclash yung values and kung pano ang disiplina sa luob ng isang bahay. malilito si baby. my parents and I have different values and beliefs as well as my parents husband kaya mas minabuti namin na magbukod para hindi nag cclash.

Magbasa pa

Living with my mother-in-law and 2 sister-in-law. Una pa lang nung mag'gf/bf pa lang kame sabi ko sakanya pag naging mag asawa na kame gusto ko nakabukod kame kaso nung nabuntis nya ako saka naman namaalam papa nya kaya ngayon andito kame kasama mama at mga kapatid nya. Okay naman kaso minsan talaga andaming bawal, andaming pamanhiin pang sinusunod mother-in-law ko lalo na ngayong nagbubuntis ako. Umabot pa sa point na pinag'compare nya yung tyan ko sa ibang buntis dito samen 😑😅

Magbasa pa

now oo naka bukod na kame Pero dati nandun kame nakatira sa byenan ko gawa Ng wala maayos na work Yung partner ko dahil sa nahihirapan sya iwanan ako dahil sobra selan ko mag lihi Kaya Di nya pa ako maiwan kahet now Pero kahet papa ano hinde nya ako napapabayaan lalo na pag dating sa pag Kain at pangangailangan ko pa extra extra lg sya now Pero Okey Naman kase nakakaraos kame Sa araw araw at thankfull ako sa Kung ano lg Meron kame now lalo na ngayon na naka bukod na kame .

Magbasa pa

im in my in laws. they are kind naman kaso mas maganda yung my sarili kang house coz your gonna own your time at ikaw ang mag manage ng family mo.unlike pag nakikitira ka lang feeling na your nothing parin kahit ginawa mo n lahat .at minsan sasabihin pa ng kasama mo sa bahay na siya gumagawa lahat kahit na marami ka rin nagawa . makisama kana sa sarili mong anak at asawa mo wag lang sa iba ang hirap lalo na makitira kpa

Magbasa pa